NAGULAT si Janet nang tuluyang pinaghinang ni Zack ang mga labi nila. Hindi siya kaagad nakapag-reak. Masyadong makapangyarihan ang halik nito at nahirapan siyang tanggihan ito. Ngunit kung kailan handa na siyang tugunin ang halik nito ay saka naman ito bumitiw sa kanya.
"Bihira ako humahalik sa babae na hindi nauuwi sa kama, so don't kiss me back, Janet," sabi nito saka siya tinalikuran.
Sandali siyang naparalisa. Pinainit nito ang buong sistema niya.
"Let's continue!" pagkuwa'y anunsyo nito.
Binaliwala niya ang nanggyari. Nagpatuloy sila sa pagsuntok sa kicking bag. Mamaya'y hinamon siya ni Zack sa isang duwelo. Kinakabahan siya baka hindi niya magawa ng maayos ang laban. Pero habang sinusugod niya ng sipa at suntok si Zack ay natagpuan niya ang sarili na nag-e-enjoy sa company ng binata.
Sinamantala niya ang pagkawala ng balanse ni Zack. Sinuntok niya ito sa pisngi.
"Argh!" daing nito. Nagtatagis ang bagang na tinitigan siya nito.
"S-sorry," aniya habang napatigil sa pagkilos.
Nagulat siya nang bigla na lang bumaling si Zack sa likuran niya. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito saka pinatid ang isang paa niya. Sinalo nito ang likod niya saka siya inihiga sa sahig. Hindi siya nakapalag nang dumapa ito sa kanya, habang nakatukod ang mga siko nito sa magkabilang tagiliran niya.
"Ang daya mo," wika niya, habang nakatitig siya sa mukha nitong nakadukwang sa kanya.
"Alam mo bang nai-in-love ako sa babaeng sinasaktan ang mukha ko?" nakangising wika nito.
"Ang wierd mo."
"Yeah. Wierd din akong magmahal, Janet. Gusto ko, ginagawa akong alipin ng babaeng mahal ko. Gusto kong lumigaya siya kahit pa nasasaktan niya ako."
Matamang tumitig siya sa mga mata nito. Hindi niya namamalayan na unti-unti nang bumababa ang mukha nito sa kanyang mukha. Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang naramdaman niya ang mainit nitong labi na umaangkin sa kanyang bibig. Ibinuka niya ang kanyang bibig. Kinilabutan siya nang mahimasukan ang malikot nitong palasa sa kanyang bibig at kinatagpo ang kanya.
Janet! Nawala sa konsentrasyon si Janet nang maulinigan niya ang pamilyar na boses na tila isinigaw ang pangalan niya mismo sa kanyang tainga.
Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya ang mukha ni Luke na tila sasakmalin siya. Nawala siya sa tamang huwisyo at bigla na lang nagpumiglas.
"Aw! Shit!" hiyaw ni Zack.
Nahimasmasan siya nang mamataan niya si Zack na namimilipit habang pagulung-gulong sa sahig. Nakadakma ang mga kamay nito sa pagkalalaki nito. Natataranta siya. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Nang tumigil sa pagkilos si Zack ay dagli niya itong nilapitan at niyugyog ang balikat nito.
"S-sorry, hindi ko sinasadya. Masakit ba?" wala sa loob na tanong niya.
Nagmulat ito ng mga mata. "Fuck! How dear you ask me like that? Sinira mo ata ang pagkalalaki ko!" dumadaing pa ring sabi nito.
"Pasensiya na, hindi ko talaga sinasadya."
"Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko? Iyon na ang pinaka-intense. Sinaktan mo pa ang sandata ko. Now let's try if it's still working," pilyong sabi nito.
"Ha?" maang niya.
Nagulat siya nang bigla siya nitong kinarga. Parang wala naman itong iniindang sakit. Idinapa siya nito sa makitid na papag na may manipis na foam. Ito marahil ang hinihigaan nito sa tuwing magbubuhat ito ng barbel na nasa ulunan ng papag. Kasyang-kasya lang ang katawan niya sa papag. Ikinapit nito ang mga kamay niya sa tubo ng barbel sa ulunan niya. Pagkuwa'y hinatak nito pababa ang kanyang jagging pants kasama ang kanyang panloob.