2: Espresso Doppio

1.1K 35 6
                                    


"Ate May naman. Grabe ka." Sabi ko habang nagsasara kami.

"Bakit?" Sabi nya sabay tawa ng nakakaloko.

"At least alam na natin name nya. And besides yung mga regular customers natin? 'Di ba alam naman natin names nila? So there is nothing wrong na alam natin na Marco yung name nya."

Nako. Nang aasar nanaman sya.

But I can't help but smile sa tuwing naririnig ko yung name nya. Hay.

Marco. It has a nice ring to it.

Grabe, may girl friend na kaya sya? If wala pwede namang ako na lang.

Ay. Kisses. Wag ganyan, magpaka dalagang Pilipina. I scolded myself as I nodded.

Oo dapat dalagang Pilipina, dapat hinahabol at di humahabol.

"Daydream nanaman Kisses. Nako, dalian na natin magsara may kailangan pa akong habulin na practice." Christian said as he ruffled my hair.
"Nako. Nakakapagod po kayang magbuhat at magpunas. Kalma lang. Di ba pwedeng iskip mo na muna yan?" I asked as I flopped myself on the ground.

"Kisses. Tayo nga. Ang dumi pa oh mag mop ka na kasi. Wag na maraming reklamo." Dagdag ni Christian.

"Opo ito na nga eh." Sabi ko habang nakasimangot at tumayo.

"Sige na, tutulungan na kita dyan." Sabi nya at kinuha yung basahan sa kamay ko.

"Ako na sa mga table." Sabi nya and ewan ko ba. Parang iba yung ngiti nya eh.

Hindi yung ngiti na nantitrip o yung ngiti na peke ah, basta may iba.

"Nako. Oi Christian wag na pumorma dalian na natin kasi ako may hinahabol din." Sabi ni ate May.

"Ay. Grabe ka talaga ate tinutulungan lang ako eh." I said kasi nakakailang kaya na lagi nya akong inaasar dun sa tao.

"Ano naman yung inaabangan mo?" I asked habang kinukuha ko yung mop and para maiba na din yung usapan.

"May bago kayang teleserye si Enrique." Sabi nya sabay buntong hininga at ngiti ng para bang in love.

Nako sabi na eh. Nagkatinginan kami ni Christian at sabay na tumawa.

"Tinatawa nyo? Walang nakakatawa guys." Sabi nya sabay sandal sa pinto at bumuntong hininga nanaman sya.

Umiling na lang si Chritian at tinuloy yung ginagawa nya.

"And alam nyo ba, may iiintroduce daw na bagong artist dun. Lalaki ata eh." Dagdag nya sabay lapit sa akin.

"Nako Kisses samahan mo ako manuod. Tutal wala ka namang plans ngayon, kasi di ba wala naman parents mo dito sa Manila?" Sabi nya sa akin.

"Pwede naman, basta ba libre mo na yung dinner ko eh." I jokingly said at tinuloy na yung paglalampaso ng sahig.

"Nako. Oo naman, kung gusto mo pati breakfast eh samahan mo lang ako."

"Hala. Hanggang umaga talaga ate?" I asked at tumingin sa kanya.

"Oo naman. Walang biro. Wala naman kasi si Vivoree ngayon kaya okay lang." Sabi nya sabay ngiti ulit ng malawak.

"Sige ba ate." Then after a while natapos na din kami sa pagsasara ng shop.

"Bye Christian. Ingat." Sabi ni ate May at kumaway kay Christian habang naglalakad na kami palayo.

"Hay. May sleep over nanaman tayo." Excited na sabi nya. "Kaso nga lang wala si Vivoree at Fenech. Mas masaya sana." Dagdag nya sabay akbay sa akin.

"Oo nga pala,speaking of Vivoree. Alam mo ba may date sya ngayon."

"Talaga? Grabe, buti pa sya. Na meet mo na ba yung guy?"

"Oo nga and sabi pa nya baka daw magcamping sila. Grabe. Kainggit sya. Ang sweet ng boyfriend."

She swooned at niyakap ako ng mahigpit.

"Oo nga ano, di pa natin nameemeet yung guy."

"Don't worry makikilala din natin yun for sure."

"Tama, baka nagpeprepare lang ng konti yung si Vive."

And bigla na lang kaming natigil.

"Okay lang yan. Magakakaroon din tayo nun someday and malay mo mas sweet pa." She stated, and para bang pinapalakas nya yung loob ko.

"Sana nga." I said half heartedly.

"Oh bakit parang malungkot ka?"

"Ha? Nako. Di ah." I denied as I tried to laugh.

Pero ayun. Useless.

"Asus. Kisses ano yan? Spill."

"Eh ano kasi. Kasi yung guy na pinakilala sa akin ni Kristine,"

"Oh anong meron? Did he ask for another date?"

"No. Not that. Actually, hindi na nya ako kinocontact or what." I confessed and napahinto ako sa paglakad.

"Hala ka. Grabe naman yun. Alam na ni Kristine?"

"No, hindi pa. Umaasa pa kasi ako na baka bigla syang magtext, or tumawag. Malay mo may reasons lang sya. Di ba?" This time tumulo na yung mga luha ko.

Bakit ba lagi na lang ganito? Parang walang gustong sumeryoso sa 'kin. Ano bang mali?

"Hay nako. Wag mo na syang isipin, si Enrique Gil my loves na lang ang isipin natin." She interjected bago pa man ako tuluyang maiyak.

"Dali daan tayo ng convinience store. Ikain natin yan." Sabi nya sabay hatak sa akin.

Addicted To Your Kisses (KissWard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon