3: Flat White

948 38 2
                                    


"Ate May, breakfast na. Nagluto na ako." I told her as I shake her body para magising sya.

"Antok pa ko Kisses." Sabi nya sakin.

"Ate dali na. Si Fenech lang and Christian nasa Cafè. Akala ko ba one of these days dadating yung may ari ng branches ng Cafè para maginspect?" I asked her.

Tapos parang nagsnap sya. "Nako. Oo nga pala. Ay!"

Tumayo sya agad at tumakbo papunta sa banyo. "Kisses, maligo ka na din. Yung CR na sa baba gamitin mo. Dali!" Sigaw nya habang nasa loob sya ng CR.

I snatched a towel and agad na ding nag shower. I wonder, what is the owner like kaya?

Strict ba? Kasi from the reaction ni ate May eh parang pagkasungitsungit ng may ari ng Blooms. Siguro naman ioorient naman kami ni ate.

After finishing my shower, naguniform na ako. White polo shirt and black slacks. I tied my hair up in a bun.

Kailangan malinis lagi tignan.

"Halika na Kisses. Dalian natin." Sabi nya habang hawak ang isang sandwich at sa kabila naman ay ang kanyang bag.

"Hala ate. Di pa tayo nagbreakfast and nagaayos." I said as I longingly looked at the eggs and ham I have prepared sa table.

"Nako. Bawal tayo malate ngayon, kasi most likely ngayon dadating yung si sir sungit." Sabi ni ate May sabay hatak sa akin palabas ng apartment and nilock yung door.

"Dali!" Pagmamadali nya sabay takbo palabas.

Pumara sya ng tricycle and agad namang may huminto sa harap namin.

"Grabe madaling madali ate May." Sabi ko habang halos hinihingal pa sa pagtakbo namin kanina.

"Oo madaling madali talaga. Ayokong magalit yun si sir. Strikto kaya yun, kung 'di nga lang dahil noon sa supervisor ko baka 'di ako naging manager sa Cafè eh." Sabi nya habang pinipilit na itanatali yung buhok nya kahit na dahil sa bilis ng tricycle eh halos makain ko na yung buhok nya.

"Gaano ba kastrikto?" Tanong ko ulit.

"Nako. Mamaya Kisses makikita mo. Kalma ka lang." Sabi nya, maya maya pa ay huminto na yung tricycle.

Ayos na yung buhok ni ate pagbaba namin and agad syang naghanap ng pambayad.

At ayun, kumaripas nanaman kami ng takbo papunta sa sakayan ng jeep.

Pero mukhang medyo minamalas kami.

Lahat ng dumadaang jeep eh puro puno.

Imaginine nyo na lang yung itsura ni ate May. As in grabe yung pawis nya and talagang hindi sya mapakali.

"Taxi na tayo ate. Sagot ko na." I said sabay para ng taxi na papalapit.

"Ha?" Sabi nya as if she is in a trance.

"Dali." Wika ko sabay bukas ng pinto ng taxi at hila sa kanya papasok ng taxi.

"Kuya sa Cafè Blooms lang po." Sabi ko.

Buti na lang at wala masyadong traffic. Kaya nakarating kami sa Cafè 10 minutes before yung opening namin.

Pero agad na kaming pumasok and nagayos, kaming dalawa pa lang kasi siguradong mamaya pa si Fenech at Christian.

Nagwalis ako habang si ate May dinodouble check yung mga stock namin at mga equipments.
And at last dumating na si Fenech.

"Good lord. Buti andito ka na." Sabi ko sa kanya at nagpatulong ako sa pagwiwipe ng table and pagdudust ng mga sofa chairs.

And dumating na din si Christian.

Dumiretso sya sa kitchen at tinulungan si ate May.

"Anong meron bakit natataranta kayo?" Tanong ni Fenech pagkatapos namin maglinis ng mga sofa and ng mga tables.

"Kasi baka ngayon daw maginspect yung may ari ng Cafè Blooms, strict daw sabi ni ate May. Grabe nga yung pagmamadali namin kanina."

"Sana maging maayos yung inspection." Sabi ni Fenech sabay punta sa counter.

"Good morning po. Welcome to Blooms Cafè." Bati ni Fenech nang bumukas yung pinto.

"Good morning po." Bati ko din sa customer na pumasok.

"Ang aga nyo ah." Sabi nya sabay ngiti.

If I'm not mistaken Kristel yung name nya.

"Opo Mam. Medyo sinipag po." Sabi ko sabay ngiti. "Regular order po ba?" I asked.

"Yeah. Flat white and some bagles with cream cheese." Sabi nya sabay umupo sa usual spot nya.

"Nakakapanibago." Sabi ni Fenech sa counter habang nagpepress ako ng newly grinded na beans para sa order ni Ms. Kristel.

"Yung alin?" Tanong ko.

"Wala kasi si sir CJ." Sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko.

Ah. Oo naaalala ko na. Yung gwapong lalaki na laging kasama nya.

"Napansin mo talaga yun ah." Sabi ko as I pressed the grinded beans evenly and brewed them.

"Oo naman. Alam mo naman." Sabi nya sabay tawa.

I slowly swirled the espresso and asked took some milk and slowly pour it over the espresso.

"Christian, bagels daw si Ms. Kristel and sour cream na spread." Sabi ko as I peered through the small window like thing opening papuntang kitchen.

"Yeah. Sure, pasabi mga 5 to 10 minutes pa." Sigaw nya and maya maya pa lumabas na si ate May ng kitchen.

"May customer na pala tayo. Dapat tinawag nyo ako." Sabi nya, and halatang halata na natetense talaga sya.

"Ate May, kalma lang ng konti. Okay. Breathe in and breathe out." Sabi ni Fenech.

"Eh kasi." Sabi nya sabay buntong hininga.

"Ate kaya natin 'to. Kalma lang tapos gawin natin yung parang everyday crowd natin. Yung medyo laid back yung vibe pero attentive pa din sa needs ng customers. Kaya natin to." Sabi ko sabay hug sa kanya.

"Okay na? Serve ko na muna yung coffee ni Ms. Kristel ah." And with that I took the flat white and placed it in a tray and made my way to Ms. Kristel's seat.

"Good morning po mam." Bati ko sa kanya.

She looked up from the book she was obviously getting lost in.

Then she smiled at me and said, "Good morning din Kisses."

"Ito na po pala yung order nyo na coffee. Kaso po yung bagels nyo baka po abutin po ng 5 to 10 minutes." I apologetically said.

"Oo naman, okay lang yun. Hindi naman ako nagmamadali. Thank you." And with that I thanked her back and umalis na.

Addicted To Your Kisses (KissWard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon