Charlotte's POV
NAPAKAINGAY ng buong klase. Hindi pa man nabubuksan ni Mrs. Cervantes ang glass door ng classroom, naririnig ko na ang pagkakaingay ng magiging bago kong mga kaklase. At ang sarap lang magreklamo. Kaya lang, kanino ba ako magrereklamo? Kay Kuya na itinapon ako sa bagong eskwelahan na ito?
Ah. Hindi. Hindi ko pwedeng abalahin ang kapatid ko sa mga simple kong reklamo. Napakadami na niyang pinoproblema, hindi ako pwedeng dumagdag pa. And besides, I want this. Gusto kong maging regular students.
Sumalubong sa amin ang lumilipad na notebook mula sa kung saan. Maigi nalang at nailagan ko iyon. Pero ang kawawa kong teacher, sapul sa noo. Napa-aray nalang siya. Hindi na niya nagawang magbigay ng violent reaction kasi maya-maya pa ay nilulusob na kami ng sandamakmak na nilamukos na papel.
Naipaikot ko nalang ang mga mata ko sa ere. Nagkamali ba kami ng classroom na pinasukan? Akala ko ba ay private school itong nalipatan ko? Bakit mukhang mga walang manners ang mga estudyante? O hindi kasama sa curriculum ng paaralang ito ang Good Moral and Right Conduct?
Heto, nasa gitna na ang adviser pero hindi pa din tumitigil sa pagkakagulo ang mga estudyante. Para ang mga itong nagkakagulong iba't-ibang uri ng hayop na pinagsama-sama sa iisang kulungan.
"Quiet!!!" Tili ni Mrs. Cervantes na ipinupukpok ang meter stick sa ibabaw ng center table. Napaigtad ako sa pagkagulat.
Noon palang din napansin ng mga estudyante na naroroon na ang guro. Kanya-kanyang takbuhan ang mga ito. Bumalik sa kani-kanilang upuan. Parang koral ng baboy ang classroom. Nagkalat ang mga nilamukos na papel, nasirang notebook, balat ng mga sitsirya at kung anu-ano pa. Dito ba talaga ang magiging bagong classroom ko?
Iniikot ko ang mga mata ko sa buong paligid, sa mga magiging bago kong kaklase na parang hindi pa ako napapansin. Sila ba ang makakasama ko sa buong school year?
God! I don't think I can deal with them. Kung pwede lang sanang bawiin ko na ang school card ko at magpa-transfer nalang sa ibang school. Pero late enrolee na kasi ako. Last week lang nag-decide si Kuya na huwag na akong i-homeschool. May sakit kasi ako. Bawal akong mapagod. Pero ayoko din naman mabulok sa apat na sulok ng aming bahay.
Sa isang side, may nakita ako na nagbubulungan. 'Yong isa, may sinasabi sa katabi. Hindi ko lang maintindihan kung ano. Pero nakita kong ngingisi-ngisi siya habang itinuturo si Mrs. Cervantes na nag-aayos nang reading glass nito.
"Class, may bago kayong kaklase." Sabi ni Mrs. Cervantes na hindi naman pinapansin ng mga estudyante. Mga gunggong din pala ang mga ito e.
Nang tumingin siya sa akin, alam kong sign na iyon na kailangan kong lumapit sa kanya. And I did.
Kanya-kanya silang reaksyon. May nagbubulungan ng kung anu-ano. Nagsimula ulit umugong ang ingay sa loob ng klase. Pero nang ihampas ni Mrs. Cervantes ang meter stick sa ibabaw ng mesa, parang magic na biglang tumahimik ang buong klase.
Parang may dumaang anghel ah?
"Ma'am! Huhulaan ko po! Transferee siya!" sabi ng isang epal mula sa likuran.
'Yong mga estudyante na ayaw na napapansin lagi ng guro, doon sa likuran pumupwesto. Pero iba ang tingin ko sa isang ito. Ito iyong tipo na attention seeker. Iyong tipong gusto laging nasa kanya ang spotlight.
"Yes, Mr. Mortel. She is a transferee. Anyway, would you please sit down now? Para naman makapagpakilala na siya?"
Napunta ang atensyon ng lahat sa akin. At ito pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat, iyong napapansin ako. I would rather prefer them not recognizing my existence, honest. Hindi naman sa loner ako, I just don't like the spotlight.
BINABASA MO ANG
MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)
Teen FictionRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Melancholy Of A Wallflower by Gazchela Aerienne P74.00 Marami pa akong gustong itanong pero tinapos at inayos niya ang lahat sa isang ngiti lang. Napakaingay ng buong klase. May nagbabatuhan ng nilamukos na...