Ezra's POVGusto kong sapakin ang sarili ko habang kasama kong naghihintay sa labas ng ER si Kuya Chord. Mabuti nalang may mga tao sa fishing village kanina at tumulong sa amin no'ng mahimatay si Charlotte.
Kasalanan ko. Ini-stress ko siya. Hindi ko naman akalain na aabot sa ganito. Gusto ko lang naman na sabay kaming maglabas ng hinanakit namin sa mundo. Gusto ko lang maramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Na hindi niya kailangang i-detach ang sarili niya dahil lang may pinagdadaanan siya. Kasi, lahat naman ng tao, may kanya-kanyang issue. Gusto ko lang namang makatulong sa kanya na mag-release ng dalahin niya sa dibdib. Alam ko naman na hindi healthy na sinasarili ang problema. At gusto ko lang namang makatulong talaga.Baka...
Baka kapag nabawasan na ang dinadala niyang problema, magbago na din ang pakikitungo niya sa mga tao sa paligid niya. Baka sa ganoon, mabawasan ang pagiging detached niya. Baka ma-realize din nito na mas magandang tanggapin ang love at concern na ibinibigay dito kesa itapon iyon.
Pero sa halip na makatulong, nakasama pa ako. Ngayon, nasa ER siya at wala pa din kaming balita sa nangyayari sa loob. Hinanda ko na ang sarili ko na suntukin ni Kuya Chord kasi ako naman ang may kasalanan kung bakit nasa ER ang kapatid niya.
Pero cold treatment lang ang ibinigay niya sa akin. Mas masakit palang makipag-deal doon kesa sapak o tadyak."Sorry..." Hindi ako nakatiis.
Nang humarap si Kuya Chord sa akin, tinapik niya lang ako sa balikat. Parang may sasabihin yata siya pero biglang lumabas ang doktor sa ER."Sino po ang kamag-anak ng pasyente?"
Tumayo agad si Kuya Chord.
"Ako Doc. Kuya niya ako at guardian na din."Humarap naman sa kanya ang doktor sabay sandaling tumingin sa akin.
"Nai-advice na ba ng doktor niya ang heart transplant? Kasi, tatapatin na kita, Mr. Chua. Her condition was deteriorating. Namamanas na ang mga paa niya, hindi mo ba pansin?" Nakita kong umiling si Kuya Chord habang ako, lumulutang ang utak sa mga naririnig ko.
"Namamanas naman siya talaga pero nawawala naman po. Dahil siguro sa mga gamot Doc. I thought she was doing fine. I haven't seen her in a worse condition, maliban sa... Well, twice na siyang hinimatay. Pero lagi niyang ipinipilit na okay siya at nakikita ko rin naman.Palagay ko nga po, nagiging maganda na ang improvement ng kalusugan niya nitong nakaraan kaya nagulat akong..." Nagbuntong-hininga nalang si Kuya Chord.
"Traydor ang sakit ng kapatid mo Mr. Chua. Maaaring ngayon, aakalain mo na okay siya pero mamaya lang, mahihirapan na naman siyang huminga. Dahil maliit ang pulmonary artery, hindi nadadalahan ng sapat na dugo para ma-supply-an ng sapat na oxygen ang baga niya. Nacocontract ng nacocontract ang puso and that makes her heart weak. And getting weaker and weaker everyday..."
Madami pang sinasabi ang doktor pero hindi ko na maintindihan. Isa lang ang sumasaksak sa utak ko. Malala ang kondisyon ni Charlotte!
At talagang kinakabahan at nag-aalala ako sa mga nalaman ko. Hindi naman kasi mahahalata sa kanya. Para ngang wala siyang sakit kung kumilos siya. Maliban do'n sa dalawang beses siyang nagcollapse sa mismong paningin ko, wala na akong nakitang indication na may sakit siya. Well, aside pala do'n sa medyo mapayat siya compare sa normal na katawan ng mga kaedad namin.
"Wala pa din kasing donor, hanggang ngayon Doc. No'ng pumayag na siya, dalawang taon na kaming naghintay ng donor at compatible sa kanya. Hanggang sa naaksidente ang parents namin at sumuko na din siyang umasa."
"I see." Tumatangong sabi ng doktor. "Pero sana, makumbinsi mo ulit siya. Dahil kung hindi..."
Hindi na sinundan ng doktor ang sinasabi. Na palagay ko, naintindihan na ni Kuya Chord ang ibigsabihin.
BINABASA MO ANG
MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)
Genç KurguRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Melancholy Of A Wallflower by Gazchela Aerienne P74.00 Marami pa akong gustong itanong pero tinapos at inayos niya ang lahat sa isang ngiti lang. Napakaingay ng buong klase. May nagbabatuhan ng nilamukos na...