Chapter 5

923 31 0
                                    


Ezra's POV

MAINIT ang ulo ko kinabukasan noong pumasok ako sa school. Hindi kasi pinaalis ni Mama 'yong Ronald sa bahay namin. Noong bumaba ako sa kusina para mag-almusal ng laging niluluto ng kasambahay namin, hindi 'yon ang naabutan ko.

Si Mama, kaharutan 'yong Ronald. Nang mapansin nila ako sa may entrance ng kitchen, saka palang sila huminto. Tapos inaalok ako ni Mama ng pancake. Paborito kong pancake na pinaglalaruan lang naman nilang dalawa. Sa sobrang pagkabwisit ko, hindi nalang ako nag-almusal.

At hanggang ngayon, dala ko 'yong pagkabwisit ko sa school. Ang sino mang kumalat-kalat sa harapan ko, napagti-trip-an ko. Condolence sa kanila.

Si Mitch na pahabilinan ko ng notebook ko, napag-trip-an kong hilahin ang upuan nang uupo na siya. Wala, gusto ko lang. Gusto ko lang makahanap ng pagkakatuwaan para hindi ko maalala ang pagkabwisit ko sa bahay.

"Napaka-ano mo talaga, Ezra!" Asar na asar si Mitch sa akin.

Tinulungan ko naman siyang tumayo nang mahulog siya. Pero siyempre, pinagtawanan ko muna. Pulang-pula siya sa pagkainis sa akin e.

Tawang-tawa din ang tatlong ugok sa tabi ko.

Bakit ba ang cute ng mga babae kapag naiinis?

"Huwag ka nang magpahabilin ng notebook sa akin!"

Ibinato ni Mitch ang notebook ko sa akin. Tinawanan ko lang naman siya.

"Ito naman! Binibiro ka lang e." lambing ko sa kanya.

Ang sama ng tingin sa akin ni Mitch.

"Hawakan mo kasi 'yong silya mo kapag uupo ka. H'wag na ang palda. Para sure na may mauupuan ka pa. Di ba mga dude?" Nang-aasar na sabi ni Ryland.

Nag-high five kaming apat habang nagtatawanan.

"Excuse me?"

Napatingin ako sa bagong dating. Saka malakas kong tinulak paalis sa armchair ni Charlotte si Xerxes.

"Bakit diyan ka umuupo, Xerxes? Umalis ka nga diyan!" sita ko sa kanya.

Tumayo naman si Xerxes tapos pabirong pinagpagan ang upuan.

"Upo ka na, prinsesa ni Ezra." Ang lapad ng ngiti ni Xerxes, nakakaloko. Kinaltukan ko nga siya na hinawakan lang ang ulong nasaktan. Bungisngisan 'yong dalawa nina Ryland at Zendo. Sarap tadyakan e.

Hinarap ko na si Charlotte na masama ang tingin sa akin. Nginitian ko lang naman siya.

"Upo ka na, Sungit. Malinis na iyan. Wala nang virus ni Xerxes." sabi ko. Inirapan niya lang ako saka siya lumagpas sa akin.

"Wala naman talaga akong masamang virus. Gwapo virus lang, meron."

Isang kaltok na naman sa ulo niya. "Ako lang ang gwapo dito." sabi ko tapos si Mitch na ulit ang hinarap ko. "Oy, Mitch, pahabilin naman nito." Inaabot ko sa kanya ang notebook ko.

"Ayoko! Pagkatapos ng ginawa mo sa akin? Pati ako pinagti-trip-an mo? Wala kang utang na loob!"

"Hala siya! Nanumbat na. Sige ka, pagtitripan kita araw-araw kapag di mo ito nilagay diyan sa bag mo."

"E bakit ba hindi ka magdala ng sarili mong bag?"

Nilingon ko ang mataray na nagsalita. Si Charlotte na masungit. Inalis niya ang head set niya saka ako hinarap. 'Yong pagharap niya, parang slow motion. May drama! Kaya lalong ang ganda-ganda niya sa mga mata ko. Kaya din siguro nawawalan ako ng sasabihin kapag humaharap siya sa akin. Nakakatulala naman kasi siya.

MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon