Chapter 3

1.1K 40 6
                                    

Ezra's POV

ANG tagal-tagal naman ng manliligaw ni Charlotte. Bakit di pa yun lumalabas? Ano pa bang mga pambobola ang ginagawa nun at ganon katagal manligaw? Napagod na kami at lahat ni Ricks sa pagbabasketball, hindi pa din nalabas 'yong si Accord-boy na yun?

"Tara na dun sa loob. Ang init-init dito sa labas." Reklamo ni Ricks habang inaaya na akong pumasok.

Hinubad ko 'yong T-shirt ko na pakiramdam ko basa na ng pawis kaka-basketball namin.

"Pasok ka na. Mamaya ako."

"Bakit mamaya pa?" Nakakunot-noo si Insan saken. Para bang takang-taka siya. E malamang. Ang init ba naman dito sa labas tapos ayaw kong pumasok pa sa loob?

"Basta. Mamaya na ako papasok." Kapag nagawa ko na ang misyon ko. "Sige na, pasok ka na, insan."

"Bahala ka nga diyan." Pumasok na si insan sa loob. Ako naman, kinuha ko ang bottled water na ipinatong ko sa may bakod ng bahay nina Ricks saka uminom.

Bumukas ang pinto sa tapat. Dali-dali kong tinakipan ang bottled water at nagkunwaring nagbabasketball mag-isa. Pero sa peripheral vision ko, nakikita ko ang galaw ng mga tao sa kabilang bahay.

Nakakaramdam ako ng inis kasi nasa may labas na nga ng pinto, hindi pa din matapos-tapos ang kwentuhan nila.

Bwisit na lalaki ito. Sarap pilipitin ng leeg!

"Diyan ka na. Wag mo na akong ihatid sa labas. Mainit e." dinig kong sabi nung lalaki.

Buti naman pumayag si Charlotte. Kumaway lang siya. Tapos sinara na niya ang pinto. Mas lalo akong nabwisit kasi nakita kong bahagyang nakangiti si Charlotte nung kumakaway siya. Samantalang saken, hindi naman yun ngumingiti ng ganun. Talaga bang nag-enjoy siya sa company ng lintik na lalaking yun?

Nang magsara na ang pinto sa kabila, hinintay ko namang makalapit ang lalaki sa magarang kotse niya. Hindi ko mapigilang ma-insecure. Ang saken kasi lumang motorbike lang. Iyong kanya, kumikinang na magarang four-wheel drive.

Teka, bakit ko ba kinukompara ang sarili ko sa tipaklong na ito? E mas gwapogi naman ako sa kanya. Mukha lang siyang mayaman pero mas lamang pa din ako ng isanlibong paligo sa kagwapuhan.

"Hi, dude!" Bati ko sa kanya. Huminto naman siya sa pagsakay sa magara niyang kotse saka ngumiti saken.

"Oh, hey!?"

"Ezra, pare."

Nakipagkamay ako na inabot naman niya. "Karl."

"Nililigawan mo ba 'yong babaeng nakatira diyan?" Inginuso ko ang bahay nina Charlotte. Tumango naman si Karl. Kunwari pumalatak ako.

"Seryoso ka ba?"

"Yes." Parang naasar pa niyang sagot. "Hindi ako magbibiyahe mula Makati hanggang dito sa Cavite kung hindi. Just to prove her that I am serious."

"Point taken." Tumatango kong sabi. Sabay tapik sa balikat niya. "Concern lang naman ako. Kasi mahirap na. Lalaki din naman ako e."

"What do you mean, pare?"

Ayun! Nasagi ko na ang curiousity niya!

"Kasi alam mo ba, sabi ng lola ko na matagal ng nakatira dito at kilala ang pamilya niya, may lahi daw ng mangkukulam ang mga iyan. Kaya nga sila palipat-lipat ng lugar e. Kasi kapag malapit nang mabuko ng lahat ng kapitbahay nila 'yong ano talaga sila, lumilipat na sila ng bahay. Siguro takot makuyog."

Mukhang kinagat ng loko ang mga pinagsasabi ko. Kung nabubuhay ang Lolo at Lola ko at naririnig nila ako, malamang na napingot na ako sa tenga.

'Sorry na po, 'La, 'Lo. Gipit na gipit na ako e.'

MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon