Chapter 9.2

525 19 0
                                    

Ezra's POV

NAKATAYO ako sa tapat ng bahay namin. Sa labas ng mababang wooden gate. Si Orly, heto, buhay pa naman, nasa tabi ko din. Kasing gwapo ko pa din. Sarado ang bahay, wala din sa shop niya si Mama. Saan kaya siya nagpunta? Siguro, sumama na siya do'n sa Ronald niya.
Nagbuntong-hininga nalang ako. Kung kelan pa naman ready na akong magbackdown sa pagmamatigas ko, saka naman mukhang huli na ang lahat. Tama naman si Charlotte. Inaaksaya ko ang oras ko sa pagmamatigas kung pwede ko namang gamitin nalang iyon sa pag-eenjoy kasama si Mama.
Pinipilit ko ang gusto ko kahit kasing liwanag ng umaga na wala nang pag-asang maibalik pa ang dati. Ang tagal kong nabuhay sa pag-asam na maibalik ang nakaraan na. Nabubuhay ako sa nakaraan pero hindi ko naisip na ang mas mahalaga ay ang ngayon. Sana, ini-appreciate ko kung ano ang meron sa ngayon.

Pero ano pa bang ipag-eemo ko? Ngayon pa, kung kelan huli na? Wala na din sa akin si Mama.

Malinaw na malinaw. Ang buhay ko ay hindi katulad ng sitting arrangement. Na kapag pinili ko kung sino ang gusto kong makatabi, konting pagpapasaway ko lang, mapapapayag ko din si Ma'am. Dahil kahit anong pagpapasaway na ginawa ko, hindi na bumalik si Papa sa pwesto niya. I should accept my defeat, stopped my selfishness and let my mother claimed her happiness. Pero huli na ba ako? Mukhang pati siya, iniwan na din ako.
Patamad na binuksan ko ang gate namin saka dumeretso sa loob. Pagdating ko sa front landing, hinanap ko kaagad ang paso na pinagtataguan ko ng susi ko sa main door. Pero paglapit ko sa main door, hindi na pala kailangan.

"Tss. Iniwan niyang bukas ang bahay?"

Gusto ko na namang mainis kay Mama. Kahit naka-set na ako na tatanggapin ang desisyon at gusto niya, hindi ko pa din maiwasang mainis na pinapabayaan niya ang bahay namin.

Dumeretso ako sa loob. Hindi ko na ini-expect na nandoon ang househelp. Pinagbakasyon 'yon ni Mama magmula no'ng iuwi niya si Ronald sa bahay. Ewan ko kung kelan niya pababalikin.
Nagbuntong-hininga na naman ako pagpasok ko. Ang tahimik ng bahay... Ang lungkot.

Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Sa tagal ko sa labas kanina, nauhaw na ako sa pagtunganga.

Pero natigilan ako sa paghakbang no'ng makita ko si Mama. At... Kare-Kare ba ang naaamoy ko?

Kare-kare nga na inilalagay niya sa food keeper. Favorite ko 'yon. Saan naman niya kaya 'yon dadalhin?

Natigilan si Mama no'ng makita ako. Maski naman ako, parang nai-glue ako sa kinatatayuan ko habang nakatulala sa kanya. Gusto kong luminga at hanapin si Ronald. Pero walang ingay o senyales na nasa bahay siya.
Namalayan ko nalang si Mama na tumatakbo papunta sa akin sabay tapon ng sarili niya para yakapin ako.

"Oh God! Thank you, umuwi ka na. Pupuntahan na sana kita kina Melody para makipagbati sayo. Miss ma miss na kita. Sobrang miss na miss na kita. Sorry na.Magbati na tayo, Ezra. From now on, tayo nalang ulit. Wala nang Ronald. Wala nang bagong Tatay, kung 'yon talaga ang gusto mo."

Naramdaman ko ang luha ni Mama na bumabasa sa balikat ko. Nun din nag-sink in sa akin ang sinasabi niya.
Wala nang Ronald.

Wala nang bagong tatay.

Pinaalis niya ang kaligayahan niya kasi mas pinili niya ako. Para akong sinaksak sa tapat ng dibdib ko. Mali naman pala ako ng iniisip ko. Importante pa din ako kay Mama. Naging judgemental lang ako at makasarili. Gusto ko kasi siyang solohin. Ayoko siyang i-share sa iba. Gusto ko, kung may ka-share man ako, ang totoong Papa ko din. Pero sinasaktan ko na pala siya sa gusto ko. Nire-restrict ko sa kanya ang kaligayahan niya para sa sarili kong kagustuhan.

Hindi ko naisip na, may mga bagay na hindi na pwedeng ayusin pa. May mga bagay na hindi na pwedeng balikan pa. At may mga bagay na kapag nabasag, hindi na pwedeng mabuo pa. Ang kailangan ko nalang, ipreserve ang natitirang parte na maayos at buo pa. Katulad ng pamilya namin. Katulad ni Mama. Dapat inaalagaan ko siya kasi nag-failed si Papa na gawin 'yon para sa kanya. O kung hindi ko man 'yon magawa, dapat hindi ko pagbawalan ang mga taong gusto siyang mahalin at pasayahin.
Napaka-selfish ko palang talaga...

"Sorry din, Ma. Sorry na. Ang gago ko lang nitong nakaraan." Niyakap ko siya ng mahigpit. Noon ko totally na-consume ang pakiramdam na sobrang miss ko siya. Hindi lang nitong nakaraang dalawang linggo kundi magmula pa noong nakaraang madaming taon.
Noong huli niya akong niyakap ng ganito. Sobrang na-miss ko ang ganitong pakiramdam. Ang may nagmamahal at nagpapahalaga sa akin.

Ang pinili ako over her happiness, isang malaking patunay na 'yon na mahal naman niya talaga ako. Naging ganid lang talaga ako. Gusto ko kasi na ibigay niya lahat sa akin kasi nakukulangan ako sa kakaunting atensyon. Ni hindi ko naisip na may sarili siyang paghihirap noong mga panahon na niloloko na siya ni Papa. Na noong mga panahon na iyon, kailangan niya din ng taong yayakap sa kanya. Pero hindi ko binigay 'yon kasi siya ang hinihintay kong magbigay sa akin no'n. I am so selfish of just thinking how I feel without thinking what she feels.

Hindi ko tuloy napigilang humagulhol sa mga balikat ni Mama. Puro ako guilt at pagsisisi ngayon. Sana noon ko pa na-realize ang lahat ng ito, para hindi na kami umabot sa punto na halos hindi ko na makilala si Mama at hindi na rin niya ako makilala.

But I am thankful. Dahil bago mahuli ang lahat, nakabalik ako.Nakauwi ako kay Mama.

"Ssshhh... It's okay. Ang mahalaga, nandito ka na ulit." bulong niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Tapos tinatapik-tapik na niya ang likod ko. Katulad no'ng bata pa ako, tinatapik niya ako kapag pinapatahan niya ako. Napatawa tuloy ako. Na-miss kong magpa-baby kay Mama.

"Okay na sa akin, Ma. Kung masaya ka kay Ronald, sige, papayagan ko na kayo."
Biglang kumawala si Mama sa akin. Nandidilat ang mga mata niya sa disbelief. Nginitian ko naman siya.

"Pumapayag na akong maging kayo." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Pero namatay ang kumikinang nang pag-asa sa kanya. Nalungkot na naman siya na ipinagtaka ko.

"Ma, sabi ko okay na sa akin na maging kayo ni Tito Ronald."

Ngumiti lang siya sa akin at tinapik ang balikat ko.
"He's leaving for Canada."

Ako naman ang nagulat sa narinig ko. Parang nagpe-play sa utak ko ang posibleng eksena ng paalaman nina Mama at Tito Ronald. Siguro itinaboy ni Mama si Tito Ronald para bumalik na ako sa bahay. Bigla tuloy akong na-guilty. Dahil sa selfishness ko, sinira ko ang isang magandang relasyon. Nakikita ko naman noon na inaalagaan ni Tito Ronald si Mama pero minamasama ko iyon. Sa isip ko kasi, inaagaw niya sa akin ang Mama ko.

"No, Ma. Habulin natin siya. Mabilis si Orly."

"Pero luma na iyon at baka makaaksidente pa tayo sa pagmamadali. Tsaka, 11AM ang flight niya. Malayo ang Cavite papuntang NAIA. Twenty-nine kilometers, hindi tayo aabot."

Inabot ko si Mama. "Do you trust me, Mama?"

And every seconds I am waiting, hinihiling ko na sana umoo siya. Gusto kong makabawi sa kanya. At sana pagtiwalaan niya ako.

"Pero, underage ka kasi. Hindi ka pwedeng.mag---"

"Nandiyan lang si Tito Tilsen. I'll asked him to drive you to NAIA. Gamit si Orly ko."

Nakita ko na naman siyang nagulat. Paano, alam naman niyang hindi ko pinasasakyan ang pinakamamahal kong si Orly sa iba. But I am making an exception now. Para man lang may magawa akong pambawi sa kanya.

Kaya nang tumango siya, hinila ko na siya palabas. Umangkas siya sa akin at pinuntahan namin si Tito Tilsen sa clinic niya. Luckily, wala siyang pasyente at nagpapakain lang ng damo sa pet niyang rabbit.

MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon