Chapter 8

978 31 6
                                    


Ezra's POV

NAKITA ko si Charlotte na busy sa pagkakalikot ng kung ano sa cellphone niya dun sa garden nila. Habang ako, kunwari nagbabasketball dito sa tapat ng bahay nina Ricks.

Mukha siyang hindi maiistorbo. Namimiss ko na siyang kulitin. Weekend na naman kasi. Tapos na ang project namin. Naipasa na bago ang quarterly exam. Wala na tuloy akong pagkakataon na makulit siya. Weekasary pa naman namin ngayon tapos di man lang ako batiin? Ano ba yan? Ako lang ba mag-isa ang magce-celebrate?

Sa pagkainip ko, shinoot ko nga sa gate nila ang basketball. Wala pa din siyang pakialam. Ang manhid talaga ng babaeng ito. Kahit anong pagkakalat ko, hindi pa din maramdaman ang pagpapapansin ko.

"Sungit... Oy!" tawag ko sa kanya habang nasa labas ako ng gate.

Lumingon naman siya at sumimangot.

"Ano?"

Ano ba naman yan? Pangit yata ang gising nito. Tinatarayan na ako, wala pa nga akong ginagawa.

"Weeksary natin ngayon, di mo ba ako babatiin?"

Inirapan niya lang ako at tinuloy na ang pagkalikot sa phone niya.

"Sungit..." Tawag ko ulit. Hindi na tumingin. "Sungit, oy? Pssst! Sungit!" Halos manghaba ang leeg ko sa pagtingkayad. Ang taas kasi ng gate nila. Matangkad na ako, nakatingkayad pa din ako.

"Happy weeksary!" paangil na sabi niya na di tumitingin sa akin.

Napangiti ako ng malapad. Shit! Binati niya ako kahit napipilitan. Gusto ko nang humalakhak sa tuwa. Para akong nakalutang sa ulap kasi ini-acknowledged niya na weeksary namin ngayon. Totoong-totoo na talaga ito, tinatanggap na niya ako.

Bwahahahaha!

"Thank you. Happy weeksary din. Pero paabot nung basketball ko. Kahit yun na ang gift mo sa akin."

This time, lumingon na siya. At ang sama ng tingin niya sa akin. Pero tumayo din naman siya para hanapin ang basketball ko. Nung makita niya, binuksan na niya ang gate saka isinalampak sa dibdib ko.

"Istorbo ka, dun ka na nga!" angil niya pa.

"Wala ba tayong date? Weeksary natin ngayon e." pang-aasar ko pa.

"Excuse me?" Nakapameywang na sabi niya, sabay taas ng kilay. "Mga mag-boyfriend lang ang nagdedate."

"E, boyfriend mo naman ako ah?"

Pinandilatan niya ako ng mga mata. Pero kahit anong pandidilat niya, walang pag-asang lumaki ang mga singit niyang mata. Di bale sana kung anime siya. Pero lalo na siguro siyang naging cute kung anime siya.

Shit! Bagay talaga kami. Maganda siya at gwapo ako. Umaapaw ang cuteness naming dalawa. Hindi na magkasya sa salitang iyon kaya naglevel up na sa gwapo at maganda.

"Ano?! Hindi kita boyfriend!"

Napangisi ako kasi namumula na naman siya sa pagkaasar. "Grabe ka. Itinatakwil mo na ako bilang lalaking kaibigan mo?"

"Argh!"

Tumitili si Charlotte sabay tulak ng malakas sa dibdib ko. Saka niya padabog na sinara ang gate. Kita ko na naglalakad na siya pabalik sa metal chair na nasa garden nila kasi malalaki naman ang siwang ng bakid nila. Shinoot ko ulit ang bola ko sa loob.

"Sungit, paabot!" sigaw ko ulit.

"Manigas ka!" asik niya sa akin.

"Oy, sungit naman, paabot na kasi." Hindi niya ako pinansin. "Sungit, last na, please? Oy, Sungit... Sungit paabot na."

MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon