Chapter 11.2

679 19 0
                                    

Charlotte's POV

PALABAS ako ng gate 2. Half-day kami ngayon. Sa bahay nalang ako magla-lunch. Kailangan ko na din kasing maging mabait pagdating sa pagkain. Kaya eto, uuwi na ako.

Nag-aabang lang ako ng taxi na masakyan pauwi. Hindi ko magamit ang bike ko papuntang school. Siyempre dahil kay Kuya. Pero okay lang. Nangako ako sa kanya na susunod na ako. Sa kanya at sa doktor ko. Para din hindi na palaging nag-aalala si Kuya.

Pero bago pa ako makakuha ng taxi, huminto 'yong motorbike ni Ezra sa tapat ko. Inalis pa niya 'yong helmet niya para lang makakindat.

Tss. Pasaway

Wala nang ginawa kundi magpa-cute.

"Uwi ka na?" tanong pa niya. E, obvious naman kaya.

Ano ba aasahan ko sa kanya? Siyempre, ganito lang ang style nito para maka-segue ng agenda niya.

"Saan pa ba? Wala naman akong ibang pupuntahan kundi sa bahay."

"Gusto mong tumambay sa favorite place ko? Doon na din tayo mag-lunch."

Sandali akong nag-isip. Good idea na din siguro para mapag-usapan ang dapat pag-usapan. I mean, I'm still bothered on how he acted last time.

"Okay." Sang-ayon ko. "Basta libre mo."

Sumaludo naman siya saka isinuot sa'kin ang helmet niya no'ng nakalapit na ako.
Sandali lang ang biyahe namin. Mas malapit kasi sa campus ang fishing village. Kinuha namin 'yong cottage na sabi niya, madalas nilang gamitin nang family niya. Doon na din kami nagpa-deliver ng lunch.

"Mag-isa ka lang sa bahay niyo? Kelan pa umalis ang Mama mo para sa bakasyon?"
Naitanong ko habang kumakain kami.

"No'ng isang araw lang. Dapat kasama nila ako pero may pasok pa tayo. Tapos di ba, exam pa bago ang sembreak? Kaya sabi ko, sila nalang. Next time nalang ako sasama. Tsaka they need some time together. Ipapakilala din yata ni Tito Ronald si Mama sa family niya."

Gusto kong magtaas ng kilay. May mga bagay sa sinabi niya na nagpapalito sa akin.

"Teka, ipapakilala? So, dapat kasama ka. Anak ka niya, kung ihaharap no'ng Tito Ronald mo ang Mama mo sa family nila, dapat kasama ka kasi... Alam mo 'yon? Package kayo ng Mama mo. Kapag tinanggap siya ng family nang Tito Ronald mo, dapat tanggap ka din."

Nagkibit-balikat lang si Ezra saka ininom ang ice tea niya. "Si Mama na bahala do'n. I trust her."

Hindi ko alam kung paano magre-react. Imposibleng walang impact sa kanya ang sitwasyon. Sigurado ako na nasa pretending mode na naman ito. O baka ayaw niya lang talagang pag-usapan.
Pero sabi ni Ricks, okay na kay Ezra si Tito Ronald niya? Okay na pero in the process pa din ang buong pagtanggap? Gano'n ba iyon?

Ewan ko. Ang gulo din kasi minsan ng mga aksyon at desisyon niya. Kasing gulo ng pagkatao niya. But at least, may buong pamilya na ulit si Ezra. Alam ko naman na 'yon lang talaga ang gusto niya. Magkaroon ng buong pamilya.

"Bakit nag-stay out na ang househelp niyo? Edi mag-isa ka lang sa bahay niyo?"
Kainis itong si Ezra! Bigla siyang naging tahimik. Ako nalang ang nagbi-build sa conversation. Kasalanan ko ba? Hindi ba niya gusto ang topic na binuksan ko?

"Diyan lang naman kasi sa kabilang bayan nakatira sina Aling Adora. 'Yong family niya na nasa Leyte, nag-relocate na dito sa Cavite kasi nakakuha din ng magandang trabaho dito ang asawa niya. Kaya 'yon. Nangupahan nalang sila. Tsaka, hindi ko naman kailangan ng kasama sa bahay. Sanay naman na akong mag-isa."

Kahit ngumiti si Ezra sa akin nang mga sandaling ito, ramdam ko 'yong lungkot niya.

'Sanay naman na akong mag-isa.'

MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon