Chapter 12

670 18 10
                                    


Charlotte's POV

SA MULING paggising ko, puting silid at mukha ni Kuya ang nakita ko. Ramdam ko 'yong may mahapdi sa kanang braso ko at masakit ang right shoulder blades ko.

"Kuya..." Babangon sana ako pero pinigilan nila ako.

"Huwag ka munang gumalaw. May mga minor fracture ka kasi. You've been unconscious for more than 24hours, goodness! Tinakot mo ako ng sobra."

Pati Mama ni Ezra, nandoon din. Bigla tuloy akong kinabahan nang maalala ko ang mga huling eksena.

"S-Si Ezra? Nasaan siya?"
Matindi ang kaba na nararamdaman ko. O baka nga magkahalong takot at pag-aalala na ito. Ayoko nang isipin ang huling eksena na natatandaan ko. Ayokong mag-isip ng hindi maganda.
Nagkatinginan sina Kuya at ang Mama ni Ezra. Maya-maya, ngumiti ang huli. Inabot niya din ang kamay ko.

"He's fine. Nagpapahinga siya."

Malungkot at mugto ang mga mata ng Mama ni Ezra. Something is not right. Ramdam ko. Lalo na at ganitong ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.

"I'm Jodee. Call me Tita if you prefer." Pakilala niya.

"I heard about your condition. Nakwento sa akin ni Ezra kanina. And guess what? You are so lucky dahil may dumating na heart donor."

"Habang unconscious ka, your doctor had ran series of test para sa compatibility ng tissues and blood types niyo..." Nag-uunahan ang mga salita sa bibig ni Kuya pero bigla siyang natigilan. "I mean ng donor mo." Agad na dagdag niya. "Three to four more days and we'll know the results."

"Yes. Your brother was right." segunda ni Tita Jodee.

"Buti nalang at kompleto ng kagamitan dito. Hindi mo na kailangang magpa-transfer sa Manila kung sakaling matuloy na ang operation..."

"Gusto kong makita si Ezra."
Dapat matuwa ako dahil finally, eto na ang hinihintay namin. Pero hindi ko maramdaman iyon. Parang nawalan iyon ng halaga sa 'kin. Mas importante na makita ko si Ezra. Hindi talaga ako matatahimik na hindi ko siyanakikita. Kahit pa sinabi nilang okay na ang lahat.

"Pero natutulog na siya. Hindi ko siya magigising." sagot agad ni Tita Jodee.
Medyo nakonsensiya naman ako. Besides, alam ko na mas kailangan ni Ezra ng pahinga.
"At kailangan mo din ng mahabang pahinga. You need to prepare yourself if ever." Sabi ni Kuya na parang eager at positive na magiging maganda ang resulta ng mga medical examinations.

I know why. Matagal naming hinintay na magka-donor ako. I've been in a waiting list for so long.

Bilang kapatid na hindi napagod umasa, sino bang hindi mae-excite sa bagong chance na ito?

Noong lumabas na ang resulta, pinayagan na nila akong makita si Ezra. Who was in ICU. Sabi nila maayos na si Ezra... Pero bakit nasa ICU pa din siya? Hindi nila gustong sabihin sa akin ang totoong kondisyon ni Ezra at palagi nilang ipinipilit na okay lang ang lahat. Even Tita Jodee was controlling her tears. Nakikita ko kung paano niya pigilan iyon. But I can see from her eyes that she surrendered.

No. This can't be. Lumalaban si Ezra. He is a fighter. Ako ang quitter sa aming dalawa. Dahil sa kaka-encourage niya sa akin kaya ginusto ko ulit lumaban para mabuhay. At habang nakikita ko siyang lumalaban, nakakuha pa ako ng courage para lumaban din. He was fighting for his life so do I.

"I found a new lifeline, Ezra." Bulong ko sa kanya habang natutulog siyang may kung anu-anong nakakabit na tubo sa katawan niya.
Kinabukasan, sinabi na ng doktor ko na pwede na kaming mag-undergo through surgery. And I did. Dahil umaasa akong sa paggising ko, gigising na din si Ezra.
At dahil do'n, mas ini-encouraged ko ang sarili ko na dapat malagpasan ko ito. Kasi kailangan ko pa siyang makita. That we will breath together. Katulad ng huli niyang sinabi

MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon