Ezra's POV
NAKASIMANGOT si Charlotte no'ng pumasok sa loob ng classroom. Akala ko hindi siya papasok ngayon. Sa nangyari kahapon, nag-alala talaga ako ng sobra para sa kanya. Nakita ko ba naman siyang natumba sa park. Namumutla at hindi makahinga, nagpanic talaga ako ng sobra. 'Buti nalang dumadaan ang sasakyan ng resident doctor sa village namin. Naagapan siya at nadala sa clinic. Tinanong ko si Tito Tilsen, 'yong resident doctor, kung ano ba sakit ni Charlotte. Hindi naman sinabi saken kasi for confidentiality. Basta sabi niya lang, huwag ko daw i-stress si Charlotte and she will be fine.
E, ang bait-bait ko kaya. Saken pa niya 'yon ibinilin.
Anyway, oo, Tito ko 'yong resident doctor at may ari ng clinic sa loob ng village namin. Pinsan siya ng Mama ko.
So, ayun nga. Sobra ko nang bait, mas babaitan ko pa ngayon kasi bawal daw ang stress kay Charlotte. Kaya behave lang ako sa tabi niya. Tapos na ang flag ceremony noong dumating siya e. Teacher nalang ang hinihintay namin.
Nagsa-soundtrip siya sa tabi ko. Kating-kati na ang dila ko na kausapin siya. Pero bawal nga ang stress. Para siyang nai-stress lagi kapag kinakausap ko kaya, pinilit kong i-padlock ang bibig ko.
Tapos na ang klase namin ngayong umaga. Lunch na. Pakiramdam ko napanis na ang laway ko kasi ang tahimik ko ngayon. Para akong sinaniban ng isang batalyong anghel sa sobra kong bait. Hindi ko na yata kayang magtiis. Ang hirap naman ng walang kinakausap e. Hindi naman ako kagaya niya na may pagka-introvert yata.
"Sungit, pahabilin muna ng ballpen ko. Kunin ko sayo after lunch." sabi ko sa kanya habang iniaabot ko ang pilot pen ko sa kanya.
Tiningnan niya lang ako sandali. Blanko sa emosyon 'yong magandang mukha niya pero nakaigkas ang isang kilay. Para bang naninibago siya base sa pagtingin niya sa'kin.
"May sakit ka ba, Ezra?"
Tumalon yata palabas ng dibdib ko 'yong puso ko. Ang lakas ng kabog. Parang nagwawalang dinosaur, ang lakas at ang ingay. Tinawag lang naman niya ako sa pinaikling pangalan ko pero ganun na 'yong epekto sa dibdib ko. Gusto kong lagapakan ng isang malakas ang dibdib ko. Bakit ganito?
Dahil ba sa first time niya akong tinawag na Ezra? First time, magmula nang maging classmate namin siya. Tapos ang pagkakatanong pa niya, parang may halong concern! Grabe! I love this feeling! Sana araw-arawin niya ito. Iuwi ko na kaya siya sa amin?
Naramdaman ko 'yong palad niya sa noo ko. Oh, heaven! Ang lambot ng kamay niya. At ang bango ng balat niya.
Hindi pa ako tapos mag-enjoy sa pakiramdam ng kamay niya sa noo ko nang mawala 'yon. Sumunod kong naramdaman 'yong malakas na lagapak sa pisngi ko. Napahawak tuloy ako dun kasi medyo masakit.
"Kaya mo naman palang maging matino habang normal ka pa, bakit di mo araw-arawin?" sabi niya sabay abot sa ballpen ko. Sinuksok niya lang sa front pocket ng bag pack niya sabay sukbit sa likod. Tapos nilayasan na ako. Nilayasan niya ako habang nakatanga pa din ako sa upuan ko.
Napansin niya 'yon! Napansin niya na mabait ako ngayon. Ibigsabihin, hindi naman talaga siya ang tipo na walang pakialam sa paligid e. Talagang tahimik lang siya at hindi mahilig makipag-socialize.
There was still hope in her. At may pag asa pa akong mapansin ni Charlotte. Maybe, I should try a little bit harder.
Tumayo na din ako at ibinilin dun sa nasa unahan ng upuan ko 'yong notebook binder ko. Sa kanya ko talaga inihahabilin ang notebook at ballpen ko. Cattleya filars lang naman na nakabind at tig-iisang filars lang bawat subject. Maswerte nang masulatan ang five leaves ng bawat filars sa buong taon sa tamad kong magsulat.
BINABASA MO ANG
MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)
Teen FictionRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Melancholy Of A Wallflower by Gazchela Aerienne P74.00 Marami pa akong gustong itanong pero tinapos at inayos niya ang lahat sa isang ngiti lang. Napakaingay ng buong klase. May nagbabatuhan ng nilamukos na...