Cover credits to ate Charizze..
Ezra's POV
NAGSISIMULA na ang klase pero hindi pa din ako matahimik. Iniisip ko pa din ang pagbabanta ni Jax. Hindi dahil takot ako. Hindi ako takot sa kanya. Bangasan ko lang mukha niya e. Nagtataka lang ako bakit siya biglang nakipagkita. Lame ng excuse kung ang motorbike ko nga. Alam kong may kailangan siya sa akin. Pero subukan niyang kantiin ang mga kaibigan ko, talagang magkakagulo kami.
"Kailan mo balak makipagcooperate para sa project?" Narinig kong tanong ni Charlotte sa tabi ko. Napabaling ako sa kanya. Hindi naman siya nakatingin sa akin kaya hindi ako sigurado kung ako ba kausap niya. Sa unahan siya nakatingin e.
"Ako ba kausap mo?"
Ang sama ng tingin niya nung bumaling sa akin.
"Sino pa ba? Sino bang ka-partner ko sa project?"
Napangisi ako. Oy, ha! Kinakausap na niya ako! Iyong siya ang naunang makipag-usap. Ayos talaga itong set up ni Ma'am Samonte.
"Tss! Retard!" Palatak niya. Lalo lang lumapad ang ngisi ko. Pang-asar ba.
"Gwapo naman." sabi ko pa.
"Says who?" irap niya saken.
"Ako. Tsaka ikaw."
Lalong naningkit mga mata niya saken. Mukhang asar na naman si Charlotte. Napapahalakhak na ako sa isip ko. Shit!
"Wala akong matandaan na sinabi kong gwapo ka."
Ang ngiti ko, abot-tenga na. "Kasasabi mo lang."
"Wala nga akong sinabi!" angil niya sa akin.
Pikon!
"Sinabi mo na. Two seconds ago." pilit ko sa kanya.
"Ay! Kupal! Bahala ka sa buhay mo!" Nakabusangot na sabi niya tapos tumingin na ulit sa unahan.
Sinundot ko siya sa braso. Pumiksi lang naman siya. Isa pang sundot. Tumingin na siya. Namumula na si Charlotte sa inis.
"Gunggong ka, anong problema mo?" angil niya pa.
"Iyong project natin, kelan natin gagawin?"
Gusto ko nang tumawa. Kahit ang tingin niya saken, gusto niya na akong patayin, masaya pa din ako. Bakit kasi nakakaaliw siyang asarin. Nag-e-enjoy pa ako sa pangungulit sa kanya nang may tumamang sticky notes sa pisngi ko.
Nakasulat doon ang lugar, oras at araw. Café Romero, Saturday, 8AM sharp.
Shit! May date kami sa sabado. Naexcite ako bigla na nagbilang ng araw. Huwebes na ngayon. Dalawang tulog nalang! Magkikita kami sa Café Romero. Magkakape. Magkukwentuhan. Tapos magiging mabait na siya sa akin kasi mare-realize niya na bukod sa gwapo ako, e gwapo talaga ako.
BINABASA MO ANG
MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)
Teen FictionRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Melancholy Of A Wallflower by Gazchela Aerienne P74.00 Marami pa akong gustong itanong pero tinapos at inayos niya ang lahat sa isang ngiti lang. Napakaingay ng buong klase. May nagbabatuhan ng nilamukos na...