Charlotte's POV
NAPANGITI ako no'ng makita ko si Ezra na pumasok ng classroom. At parang katulad ng dati, sinutsutan niya lang si Matthew sa tabi ko at lumayas na iyon. Siya ang pumalit sa tabi ko. Ngingiti-ngiti pa siya.
“Kagabi ba, nasabi ko na dapat a-attend ka din ng flag ceremony...?”
Bigla akong natigilan no'ng mapansin ko na may sugat ang gilid ng kanyang labi. May maliit na pasa din doon.
“Anong nangyari sayo?” Aabutin ko sana ang mukha niya pero iniiwas niya.
“Yan ba ang inatupag mo kanina kaya di ka umattend ng flag ceremony? Nakipag away ka o may inaway ka?”
“Tss! Hindi 'no? Self-defense ito. May mga gunggong kasi na pumigil sa aking umattend ng klase.”
“Sino?” Pinagtaasan ko siya ng kilay. Baka naman gumagawa lang ito ng palusot.
“Basta.” Sabi niyang pinindot ang tungki ng ilong ko sabay ngiti sa akin.
“Nandiyan na si Ma'am! Nandiyan na si Ma'am!”
Pulasan ang mga classmates namin.
“Oh! Look who's here?” Sabi ni Ma'am Cervantes na pumuwesto sa gitna at deretso ang mga mata kay Ezra. “Akala ko, i-indiyanin mo na naman ang klase ko.”
Parang nahihiya namang ngumiti si Ezra sa teacher namin.“Anyway, since absent ka kahapon at ikaw lang ang hindi nakaparticipate sa last activity, ngayon ka bumawi. Ang topic natin kahapon sa values is a about forgiving and accepting our faults. So, Mr. Mortel, dito sa loob ng klase, kanino mo gustong humingi ng sorry? At bakit? Paki-enumerate ang lahat ng mga kasalanan mo sa kanya.”
Tumayo si Ezra. Kakamot-kamot pa sa ulo. Napangiti ako. Mas cute pala siya kapag hindi nagpapacute. Iyong natural reactions lang.“Dito sa unahan, Mr. Mortel.”
Sumunod naman si Ezra.“E ma'am, baka hindi tayo matapos. May kasalanan ako sa kanilang lahat e.”
Napatawa si Mrs. Cervantes. At maski ako, hindi ko napigilang mapangiti. Atleast, he knew and acknowledged his faults and sins.
“Pumili ka ng isa lang. Ang pinakagusto mong hingian ng sorry.”
Tumikhim si Ezra. Parang seryoso na. “Ang classmate po na gusto kong magsorry ay kay Sungit...”
Pero no'ng ngumiti na si Ezra, na-gets ko na may niluluto na siyang kalokohan. Nagkaayos na kami kagabi kaya alam kong nanti-trip nalang siya. At tama nga ako no'ng sundan niya ang sinasabi niya.
“Sungit, pasensiya ka na sa 'kin kung late na akong umuwi. Nag-o-overtime kasi ako sa trabaho e.”
Hagalpakan ng tawa ang mga kaklase ko sabay lingon sa akin. Ako naman, parang gusto kong magtago sa kanilang lahat. Inilalagay na naman ako ni Ezra sa spotlight. Bwisit na tukmol ito, babatukan ko ito mamaya.
“Sorry din kung hindi ako nakakatulong sa pag-aalaga sa mga anak natin. Pasensiya ka na din kung hindi ko hinugasan ang mga plato kagabi. Babawi nalang ako mamaya. Ako ang magluluto ng dinner. Sorry, late na akong nagsulit ng sweldo, late na kasi naayos ang payroll namin. Pasensiya ka na nga pala kung umuuwi ako ng lasing kung minsan, nagkayayaan lang naman kami ng mga katrabaho ko.”
Letse ka, Ezra!
Gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko. Ano bang kalokohan ang pinagsasasabi ng ugok na ito?
“Pero sana, kahit marami akong kapalpakan, hindi ka pa din mapapagod na mahalin ako. Kasi ako, hindi ako mapapagod na mahalin ka. Masaya ko pa ding tatanggapin ang pagmamahal mo na idinadaan mo sa batok at dagok. I'm sorry sa lahat ng kagaguhan ko. Pero, I love kita, Sungit.”
Sigawan ang mga kaklase namin sa kalokohan ni Ezra. Pati si Ma'am Cervantes, malapad ang ngiti habang pumapalakpak.
“Thank you, Mr. Mortel.”
No'ng bumalik na sa upuan niya si Ezra, sinalubong ko kaagad siya ng hampas ng notebook. Tumatawang um-aray lang si Ezra pero naupo din. Lalong nagkagulo ang mga kaklase namin.“Ayan o, sumagot na. I love you too daw, 'yon ang isinisigaw no'ng notebook na inihampas sayo, Ezra.” tukso ni Xerxes.
Nagsipagsipulan ang dalawa ni Ryland at Zendo sabay hi-five kay Ezra. Mga gunggong talaga.
Pero aaminin ko, ang saya saya ng pakiramdam ko. Parang biglang naging healthy ang puso ko. Kinikilig ako, sheems! Lokong Ezra talaga ito. Ini-imagine na ang future. Pero teka, did he really mean it? Did he really look forward to our future... together?
Ah, that feels great! Gustong-gusto ko na ngang sabihin sa kanya na nagdesisyon na ulit akong umasa na may naghihintay sa akin na future. Na may dadating para baguhin ang expiration ko.
BINABASA MO ANG
MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)
Novela JuvenilRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Melancholy Of A Wallflower by Gazchela Aerienne P74.00 Marami pa akong gustong itanong pero tinapos at inayos niya ang lahat sa isang ngiti lang. Napakaingay ng buong klase. May nagbabatuhan ng nilamukos na...