Copver credits to ate Charizze...Charlotte's POV
NAGTATAASAN ang mga kilay ko habang nakatitig sa test paper. Sa sobrang pokus ko sa project namin ni Ezra, hindi ko masyadong binigyan ng atensyon ang reviewer para sa quarterly exam. Tapos itong chemistry, ang sakit sa mata. Puro elements. Ang mismong periodic table of elements ang may fill in the blanks. E paano ko ito sasagutan? Hindi ko naman memorize ang table of elements.
Napabuntong-hininga nalang ako. Bakit kasi ganito ang exam namin?
Naramdaman ko ang pagsiko ni Ezra sa akin. Nung lingunin ko siya, nakapa-slide siya sa pag-upo while leaning on my shoulder. Pupukpukin ko na sana ang ulo niya pero inginuso niya ang file case ko.
"Ibaba mo ng konti ang test paper mo." sabi niya saken na pinagtaka ko. Pero sumunod din naman ako out of curiousity. "Sabi na, may cheating tactics ka."
Nanlaki ang singkit kong mga mata. Hindi ko alam! Malay ko bang doon ko pala nailagay ang table of elements ko. At kitang-kita yun sa transparent blue kong file case!
"Excuse me?" Defensive kong sabi sa kanya. "Hindi ko alam na nandiyan iyan ano?" Sabay hila pataas ng testpaper para maitago ko ang tuksong periodic table of elements.
Letse! Bakit Hindi ko napansin?
"Sus! Kunwari ka pa. Don't worry. Hindi kita isusumbong basta pasilipin mo din ako. Hindi ko memorize ang table of elements e." Ngingisi-ngisi si Ezra.
Hindi ko naman alam kung magpapaliwanag ba ako o ano? Hindi ko gawaing mag-cheat. Hindi ko pa yun ginawa kahit minsan sa buong panahon ng pag aaral ko.
"No. Ayoko." tanggi ko sa kanya. Hindi naman kasi talaga tamang mandaya sa exam.
Pero kasi, forty points ng exam, periodic table of elements. Kasama ang sign at atomic number. E kung hindi ba naman may pagka-aning din ang teacher namin, forty percent ang inilagay niya sa part na yun ng test. Sinong makaka-memorize ng table of elements sa buong magdamag, kasama ang mga atomic number ng bawat elements?
Edi sabaw nga kami lahat sa exam na ito!
"Ang damot ne'to. Wag kang ganyan, Sungit. Gusto mo bang bumagsak tayo sa exam? For sure hindi mo din memorize ang mga yan."
"Whatever. Sigurado namang walang makakapasa sa exam na ito." pabulong na sagot ko.
"Meron. Madami. Sina Katherine, memorize ang periodic table of elements. At ang mga nasa top10." Inginuso niya ang mga classmates namin na kasama sa top10 habang nakasampay pa din ang ulo niya sa balikat ko.
Seriously?
Pero base sa facial reaction ni Ezra nang lingunin ko siya, sure na sure siya sa sinabi niya. Kaya lang, nakokonsensiya akong mandaya sa exam. Kung makapasa man ako at nandaya, hindi ko din ikaka-proud yun.
BINABASA MO ANG
MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)
Teen FictionRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Melancholy Of A Wallflower by Gazchela Aerienne P74.00 Marami pa akong gustong itanong pero tinapos at inayos niya ang lahat sa isang ngiti lang. Napakaingay ng buong klase. May nagbabatuhan ng nilamukos na...