Chapter 10

544 19 0
                                    

Ezra's POV

HINDI pa ako minsan man humiling ng hindi para sa akin, pero ngayon, naidasal ko na sana safe na makarating sina Mama sa NAIA at maabutan pa nila si Tito Ronald. Hindi ko na pipigilan ang kaligayahan ni Mama.

Ako naman, nagbiyahe papunta sa favorite place ko. Magpapaalam na ako sa memories nang buo kong pamilya. Siguro, gagawa nalang kami ng bago ni Mama. At kung suswertihin pa si Mama, isama na din sa bagong memories si Tito Ronald.

Kararating ko lang sa fishing village, hindi pa nga ako nakakapasok, pero nakita ko sina Jax at ang grupo niya. Papalapit sa akin.

Hindi naman ako takot sa kanila pero inihanda ko pa din ang sarili ko kung sakaling aatakihin nila ako.

"Anong kelangan niyo?" tanong ko kaagad no'ng makalapit na sina Jax.
Inalis niya sa bunganga niya ang tangay niyang sigarilyo saka itinapon sa kalsada.

"Ikaw. Bumalik ka sa grupo." Deretsang sabi ni Jax.
Napailing nalang ako. Sinasabi ko na nga ba at hindi naman talaga ang motorbike ko ang habol niya sa akin.

"E paano kung ayaw ko?" Nang-aasar naman na sagot ko.

No way. Hindi na ako babalik sa grupo nila. Puro bisyo at pagka-cutting class lang ang inaatupag nila. At kapag may isang hindi nakasama sa mga lakad, binubugbog nila. Naranasan ko noon na mabugbog pero hindi naman ako patatalo. Nalaman ni Jax na hindi ako basta-bastang miyembro kasi malakas ako. Mula noon, ginawa niya akong partner-in-crime niya. Pero hindi ko na kasi kaya ang mga ginagawa nila. Kapag na-trip-an ng grupo nila na mang-umit sa mga tindahan, gagawin nila kahit ano pa ang kalabasan.
Nakikini-kinita ko na ang future nila. Ayokong maging habambuhay na patapon. May pangarap pa din ako.
Kahit naman bully ako sa klase namin, hindi naman ako sobrang pabaya sa pag-aaral ko. Umaattend pa din ako ng klase at ginagalang ko din naman ang mga teacher kahit madalas na pasaway ako. Hindi katulad nitong si Jax.

"Narinig ko na, nasa ospital daw ang girlfriend mo?"

Bigla akong pinanlamigan ng buong katawan. Para akong napasalang sa bucket challenge. At gusto ko nalang manginig nang mahulaan ko kung sino ang tinutukoy niya at kung ano ang ibigsabihin ng sinabi ni Jax.

"Leave Charlotte out of here. Wala siyang kinalaman sa akin o sa agenda ng grupo mo." pinigilan ko ang sarili ko na mabirahan siya ng suntok no'ng bigla siyang ngumisi sa akin.

His knowing grin makes me stun. Ang isipin palang na guguluhin nila si Charlotte para lang makuha nila ang gusto nila, damn! No! I won't allow them.

"Talaga? Wala naman pala siyang kinalaman sayo, edi akin nalang siya."

Sinenyasan nito ang mga kagrupo na aalis na. Tumalikod na din si Jax. Nataranta naman ako. Hindi ko alam kung paano ko itatawid si Charlotte at ang sarili ko sa kung anumang gustong mangyari ni Jax.

"Bakit ako, Jax?" pigil ko sa pag-alis nila.

Huminto naman si Jax at hinarap ako.

"Dahil walang naging miyembro sa grupo ko ang tumalikod sa akin."

He was looking at me in a dangerous way. Para bang naglalabas ng galit ang mga mata niya. Alam ko naman kung bakit siya nagkakaganito. Nang pumasok ako sa grupo nila, sumumpa ako na kung nasaan ang isa ay nandun kaming lahat. Jax was in hell and still was digging deep. At gusto niya na sumama kami sa kanya hanggang sa pinakailalim ng impyernong pinupuntahan niya.

I am referring about his bad habit and all. He was driving himself down to hell at gusto niya na kasama kami.

"At walang pwedeng mang-iwan sa akin. Walang pwedeng bumali ng pangakong binitiwan sa aking grupo. Not even you, Ezra. Kaya kung hindi ka babalik sa akin, ang girlfriend mo nalang ang kapalit mo."

MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon