Charlotte's POV
One year later...
NAKATAYO ako sa malawak at maberdeng lugar. Wala namang masyadong tao roon maliban sa mangilan-ngilang pumapasok at dumadalaw sa mga mahal nila. Katulad ko, dinadalaw ko din 'yong mahal ko.
"Isang taon na pala Ezra, ano?" Sabi ko do'n sa kaharap ko.
Sumalampak ako sa bermuda grass habang nilalanghap ang sariwang hangin.
"Ang bilis ng araw. Ang bilis ng panahon. Halos hindi ko naramdaman e. Alam mo 'yon? Next year, senior highschool na tayo. Ano bang gusto mong i-enroll sa senior high? Ako kasi, gusto ko nang photography. Sabi ni Tita Jodee, gusto mo daw maging engineer. Kaso, paano ka magiging engineer e ang tamad mo mag-aral? Nagbabalak ka pang mag-cheat."
Tinawanan ko 'yong sarili kong biro sabay buntong hininga.
"Oy, para pala sa kaalaman mo, hindi na ako anti-social. Isa nga ako sa mga participants ng Ms. Campus this school year. Kaso hindi ako ang title holder."
Isang buntong-hininga na naman. "Ano pa bang ikukwento ko sayo. Malamang lahat naman alam mo e. Mahilig kang bumuntot kasi."
Huminto ako sa pagsasalita habang inaalala ang mga panahon na nakilala ko siya hanggang sa matapos ang operasyon.
"Gusto ko nga palang ipaalala sa 'yo na napakadaya mo. Hanggang ngayon, hindi ko nakakalimutan ang kadayaan mo."
Pumiyok ako bigla sa huling sinabi ko. Hindi ko napigilan. Isang taon na pala. Pero hanggang ngayon, gusto ko pa ding magtampo sa kanya. Sobrang daya lang niya. Pakiramdam ko nadaya talaga ako. Hindi lang ni Ezra, kundi ng pagkakataon... Ng kapalaran.
Nagsisimula palang kami e. Bakit natapos na kaagad ng ganoon kabilis? Ni hindi pa kami nakaabot sa second base of friendship.
Hinaplos ko ang pangalan ni Ezra na naka-engrave sa lapida sa unahan ko. Pagkatapos, ang picture naman niya na nakangiti at puno ng buhay.
Araw-araw, sa tuwing maaalala ko ang mga ngiting iyon, parang may dinudukot sa loob ng dibdib ko. Ang sakit-sakit. Hindi ko pa din matanggap hanggang ngayon. At hindi ko alam kung kailan ko ba matatanggap ang lahat.
Nagsinungaling sina Kuya at Tita Jodee. Bago daw maging unconscious si Ezra sinabi niya ang dying wish niya sa doktor na nag-assist sa kanya. Na kung may mangyari sa kanya, idodonate niya ang puso niya sa akin. At huwag munang ipapaalam hanggang hindi natatapos ang operasyon at hindi pa maayos ang kondisyon ko.
May isang linggo din siyang comatose. He hang on until he heard my voice. Dahil noong time na dinalaw ko siya sa ICU, ilang minuto pa lang akong nakakaalis, bumitaw na siya sa life support. It was as if he was waiting for a confirmation that I am fine.
Nawalan ng preno si Orly. Pero hindi niya ipinaalam sa akin. He keeps his cool and tried to entertain me para hindi ako mag-panic. Kaya pala ganoon 'yong mga salita niya.
"Ngayon lang, tapos hindi na ako hihiling sayo kahit kailan."
Hanggang sa huli, kapakanan ko 'yong inuna niya. At hanggang sa huli, pinilit niyang ipaalam sa akin ang damdamin niya. Pero napakadaya lang. Bakit kung kailan gusto ko pa siyang makilala ng lubos-lubos, saka pa siya mawawala? Saka pa siya nang-iwan.
Kung kailan... naiintindihan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya, saka pa siya umalis.
"Nami-miss na kita, Ezra. Wala na akong mabatukan sa classroom."
Nag-una-unahan na ang mga luha ko sa pagpatak habang 'yong dibdib ko, gustong sumabog sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Pinipilit kong kumalma kasi alam kong nahihirapan si Ezra sa loob ko, pero hindi kasi ganoon kadali. Kahit isang taon na ang dumaan, masakit pa din. Hindi nabawasan kahit kaunti.
"'Yong grupo nga pala nina Jax na nag-alis ng preno kay Orly, sad to say, hindi masampahan ng kaso kasi mga minor pa."
Mapait na napangiti ako. Pati ang involvement niya doon, nalaman ko na din. At kung bakit siya bumalik sa grupo nina Jax. Na siya ring nagpahamak sa kanya. Gusto ko silang saktan sa mga kahayupan nila. Pero ako ang nasaktan noong malaman ko ang dahilan ng pagbalik ni Ezra sa grupo. Iyon pala ang dahilan kung bakit siya nagbago bigla.
Pinoprotektahan niya lang pala ako.
"Bakit kasi hindi mo sinabi?"
Ang dami niyang ginawa para sa'kin na hindi ko man lang nalaman. At ni hindi ko natumbasan. Puro pananakit pa lagi ang iginaganti ko sa kanya. Ang selfish ko kasi. Pinipili ko palagi 'yong madali para sa akin. Without even considering other's feelings. Ang damot-damot ko. Ni hindi ko ipinakita at ipinaramdam sa kanya ang damdaming matagal siyang nauhaw. Hindi ko man lang naiparamdam sa kanya na mahal ko siya. Na may nagmamahal sa kanya.
Napaka-selfless niya. Iyong first impression ko sa kanya, napakalaking mali. Akala ko, wala siyang ibang kayang gawin kundi mang-away. Pero hindi pala. Ako pala 'yon. Ako pala talaga 'yong bully. Dahil wala akong ibang ginawa noon kundi husgahan ang mga aksyon niya. Ni hindi ko sinilip ang laman ng puso niya. At kung gaano iyon kaganda.
Pero ngayong ibinigay niya sa akin ang magandang pusong ito, ramdam ko na kung gaano siya kabuti. Hindi lang bilang anak, pero maging isang kaibigan.
At dahil minsan nga lang siya humiling, hindi ko kailangang magkaroon ng second thought.
I will take care and protect his beautiful heart. I will live my life to the fullest. And we will breath together. His heart and my lungs...they will work together to produced life.
Hindi ko man siya nakikita, pero nararamdaman ko siya sa loob ko. Sabay kaming mabubuhay ni Ezra. Sabay kaming haharap sa bukas hanggang sabay naming marating ang expiration namin.
"We are together, Ezra. Forever." sabi ko habang pilit ngumingiti sa gwapong larawan niya.
"I love you, Ezra. To infinity...and beyond." mahinang bulong ko sa hangin. Na sana, makarating sa kanya.
A/N:
Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at willing maghintay ng updates. Hehehhe. Don't forget to vote po. Penge na din feedback, please? Thank you so much!
Available po ito sa mga NBS and PPC stores. Sana po ay bumili pa din kayo ng copy kahit completed dito sa wattpad. Maraming salamat.
BINABASA MO ANG
MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)
Teen FictionRepublished. Written by: Gazchela Aerienne Melancholy Of A Wallflower by Gazchela Aerienne P74.00 Marami pa akong gustong itanong pero tinapos at inayos niya ang lahat sa isang ngiti lang. Napakaingay ng buong klase. May nagbabatuhan ng nilamukos na...