Chapter 2

1.3K 40 0
                                    


Ezra's POV

ALAM kong asar na naman si Sungit saken. Kitang-kita ko yun sa pag-aarkuhan ng mga kilay niya habang nakatingin saken. Nginitian ko lang naman siya. Para lalo pa siyang maasar saken. Kapag mga ganitong pagkakataon lang naman niya ako napapansin e. Kaya lulubus-lubusin ko na. Maasar na siya saken hanggang gusto niya. Okay nga yun, para hindi niya makalimutang may nag-eexist na Randall Ezekiel 'Ezra' Mortel sa paligid niya. Para lang kasi akong hangin kahit nagpapakalat-kalat na nga ako sa harapan niya. Kung hindi pa ako nang-aaway ng nerd, hindi niya pa ako papansinin.

"Bakit nandiyan ka? Nasaan si Matthew?" Mataray na tanong niya saken.

"Pinaalis ko. Tayo muna ang magkatabi ngayon." Ibinigay ko ang pinakagwapo kong ngiti. Baka malusaw rin ang katarayan kung sakali.

"No! Umalis ka diyan! Ayokong katabi ka!"

Kulang nalang umigkas ang paa niya at sipain ako paalis ng upuan. Pero patatalo ba ako? Wala nang makakapantay sa kakulitan ko. Wala akong ginusto na hindi ko nakuha.

"Dito ko gusto e. Bakit ba? Nabili mo na ba ito? May pangalan mo ba?" Kunwari chineck ko kung may pangalan ang armchair. "Wala naman a? Meaning pwedeng umupo kahit sino."

"Oo nga. Pwedeng umupo kahit sino. Maliban sayo."

"Wag kang biased diyan, Ms. Sungit. Maupo ka na. Dadating na si Ma'am."

"Ayokong umupo hanggang hindi ka umaalis diyan."

Halos iluwa niya 'yong tonsil niya sa pagtili. Ang lakas ng tawa ko. Sarap talagang asarin ni Ms. Sungit.

"Hindi ka aalis diyan?"

"Hindi." Matigas kong sabi.

"Sasampalin kita nitong Chemistry book ko."

Aba! Binabantaan ako? Ako? Si Ezra Mortel, binabantaan ni Ms. Sungit na singkit?

Mas naaliw ako sa kanya ngayon. Halos wala na siyang mata. Kasi naman, singkit na nga, lalo pang nanliit ang mga mata sa galit. Natatawa na naman ako talaga. Ang pula na ng mukha niya sa pagkaasar. And she looks more adorable with that.

"Sige lang. Gusto ko nga e. Ang sarap nga nung sampal mo kanina."

"Umalis ka diyan. Ayokong makatabi ka." Angil niya saken.

"Edi humanap ka ng ibang upuan." sabi ko naman. May naalala ako bigla. "Sabi nila, you can choose where to sit down. But you can never choose who will sit beside you." Dagdag ko pa.

"Ibang kaso 'yang sinasabi mo. Pampasahero lang yan. Nasa classroom tayo."

"Aba! Alam mo din yun? Mga henyong tulad lang natin ang nakakaalam nun e. At kokonti na tayo sa ibabaw ng daigdig. Dapat saten, tinetreasure___"

"Nandiyan na si Ma'am. Umupo na kayo dali." sabi nung isa naming kaklase. Mark yata pangalan nun. Siya 'yong estudyante na parang nangangampanya kapag may seatwork. Abot ng abot ng papel. Palibhasa siya ang financer namin ng papel.

"Umalis ka na diyan."

"Ayoko nga. Maupo ka na. Nandiyan na si Ma'am." Parang wala lang na sabi ko sa kanya tapos bumaling ako sa adviser namin na kakapasok lang ng classroom. "Ma'am, o? Si Chua, ayaw pang maupo?"

Napatingin sa direksyon namin si Mrs. Cervantes.

"O, bakit nandiyan ka, Mr. Mortel?"

Sa halip na si Singkit ang pansinin, ako 'yong sinita. Ano ba naman? Iba na talaga ang cute!

Ngumiti ako ng malapad kay Ma'am Cervantes. 'Yong pamatay kong ngiti na walang kahit sinong makakahindi sa akin.

"Dito muna ako, Ma'am. Promise, magbebehave po ako dito." Nag-thumbs up pa ako kay Ma'am. Ngumiti naman siya.

MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (Completed and published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon