Ng isang gabi ako'y naglalakad.
Sa madilim na sulok , bitwin ang liwanag.
Sa liwanag ay nakatanaw, aking binibilang
ang lahat ng aking natatanaw.
Ng mabigo sa pagbilang ako'y nag-isip,
Pilit bumabangon pinipiga ang isip.
Sinubukan kong bilangin ang bitwin kung ilan.
Ngunit nabigo dahil sa kawalan.
Kaalaman ay wala, abilidad di makamtan,
Mga mata ko'y di makakita sa kislap ng kawalan.
Ako nga'y wala pang karunungan.
May mga tao tiyak pa sa akin ay may alam.
O baka sila nalang ang aking huwaran,
Na syang gagawing guro't larawan,
Papakinggan sa kanilang kaalaman,
ng aking buhay ay maging maayos at mainam.
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...