Ang Bitwin sa bawat gabi'y nagkakaiba ng pwesto,
Kaya't pag pasok sa eskwela ang aking naging komento,
Sinubukan kong pumasok sa isang paaralan,
Sa pagitan ng mga puno malayo sa aming bayan.
Aling karanasan kaya ang aking masusumpungan?
Bunga ng aking pag lakad ay mayroon kayang paglalagyan?
Dala ko'y sako,lagyanan ng gamit sa pagpasok,
Sa eskwelahan kung saan ay nais kong kumatok.
Nag tataasan na mga puno,
Ang syang sa daanan ko'y nag papalito,
Ang lakad ko lamang ay diretso,
Sundan ang bakas na walang halaman at damo.
Umaga ng nag simulang maglakad,
Gabi ng roon parin ako napadpad,
Inabot ako roon ng dilim,
Takot di alintana sa akin.
Pagod ang dinaranas ko ngayon,
Maglakad ba naman kanina mula ngayon,
Doon na rin ako nag palipas ng gabi,
Ng mapahinga katawan kong napipighati.
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...