Ito na ang aking sasabihin
"Ae, aahhh aaako si Gagagagabriel!
AAhhmm aayyos lang iyyon sa aakin!
Wawalang anuman kung maituturing."
Teka! di ko nasabi gusto kong sabihin,
Umalis at nakipag kamay sya agad sa akin,
Ano ba naman ito di ko malaman ang gagawin,
Mga sinasabi ko paulit-ulit nalang din.
Gusto ko sanang sabihin na walang anuman,
Ngunit sinabi ko pa sa kanya aking pangalan,
Kahit alam nya naman,
Mula pa ng unang pasok ko palang.
Oo nga pala! ikaw na nagbabasa,
Ngayon mo lang pala nalaman na pangalan
Ko pala ay Gabriel, Kaya huwag ka mag-alala
Sa kwento kong ito ikaw ay may mapapala.
Ako si Gabriel, Ang sumulat ng talaarawan na ito,
Halika ipapakilala ko sayo mga kaeskwela ko
At ang aking naging mundo sa iskwelahang ito,
Ang naging buhay ko sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoesiaPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...