Lumapit sa akin ang babaeng aking iniligtas,
Sya'y nagpakilala at nagpasalamat,
Humingi ng paumanhin
At doon ako nagulat.
"Ako nga pala si Julia Ann,
Ang babaeng iyong tinulungan,
Sa Grupo na naghahari-harian,
Salamat sa iyong kalooban.
Sapagka't ako'y niligtas mo ng walang alinlangan,
Salamat sa iyo, maari ba kitang maging kaibigan?
Ngunit hihingi muna ako ng paumanhin,
Tungkol doon sa pagligtas mo sa akin,
May hindi ka alam tungkol sa grupong iyon,
Matagal na silang ganon,
Baka balikan ka nila pag naghapon,
Kaya't nalulungkot din ako sa iyo ngayon."
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PuisiPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...