Ito naman ang pinuno ng grupo ng kalalakihan,
Yung sinuntok ko ng solid yung ilong duguan,
Oo na, ito na, Joseph na kanyang pangalan,
Wag mong asahan na may maganda yang katangian.
Bully yan! Bully sa kaibigan,
Bully sa exam, bully kahit saan,
Saka magaling sa katarantaduhan,
Mag lalagay ng bato sa bagahe at saka pagtatawanan.
Aba! talagang magaling eh!
Pasimuno yan sa pagnakaw ng kawad ng koryente!
Kaya pag nawalan ng kuryente sa silid?
"Sir, Si Joseph nag hasik ng lagim, kinuha kawad natin!"
Ano sa akin si Joseph?
Magaling eh!
Sarap sapukin eh!
Nakakainis na eh!
Palamurang katangian ay nasa kanya!
Oh diba? saan ka pa?
Mahilig makipag buno,
Syempre sya nga raw pinuno.
Mabait din naman si Joseph. Pag tulog!
Sa sobrang bait nyan muntik pang makulong!
Mabait talaga yan, binabato nga yung bubong!
Kaya't pag ako nakasalubong? (syempre gulo).
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...