Tingin nya'y may sinasabi,
Isan tabi buka ng aking labi,
Nangungusap na kanyang mga mata,
Tila'y pagpigil ang hinihiling niya.
Parang takot na takot,
At kaba ang sumasakop,
Ako'y binalot ng kutob,
habang nakaupo dito sa loob.
Ako'y nakuha sa kanyang tingin,
huwag mag salita ang aking isipin,
Yun ang pahayag ng mga mata nya sa akin,
Pinapapigil gusto ng aking damdamin.
Hindi ko alam ang nangyayari,
Naaawa tingin ko sa kanya wari
ba'y gusto kong makita syang nakangiti,
Hindi ko mapigil ang mata na sa kanya'y naka tingin.
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...