Umaga ng ako ay magising,
Tilaok ng manok di alintana sa akin,
Walang umagahan o ano mang pagkain,
Kaya't ano pa kung gutom ang aking daranasin.
Binalot ako ng uhaw at ng gutom,
Gutom na syang nag pahina sa akin,
Pakiusap Diyos Hanapan nyo ko ng makakain,
Punong kahoy ng mangga ang ipinakita nya sa akin.
Buti na lamang sapat ang bunga nito para sakin,
Inakyat ko ito kahit matayog,
Para sikmura ko'y tumahimik at mabusog,
Ngayon nakain na't wari ba'y malusog.
Di ko napansin ang araw ay tumataas,
Di ko pansin ang dilim ay paliwanag,
Kaya' t nag madali ako sa paglalakad,
Lakad na katumbas ng takbo,
Gubat layasan ko na't liwanag ay matamo.
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...