Sinubukan kong bilangin ang mga bitwin na nasa labas ng mundo,
Ngunit sa pag-aakalang kayanin ko, ako'y nabigo,
Gabi yaon ng ito ay aking simulan,
dadagdagan ko sana ang aking kaalaman.
Pinangarap kong mabilang ang mga tala,
bakit sa akin ni makasagot ng tanong ay wala?
Bitwin hindi kayang bilangin,
tulad lamang ito ng mga buhangin.
Kayang makita, kayang masilip,
Buhangin kayang hawakan, di kayang bilangin
Anong pagkakatulad ng bitwin at ng buhangin?
Kung ang mga bitwin di ko abot at malayo sa akin?
Pakpak ko'y kailan lalantad?
Kulungan ng apo'y kailan mahahayag?
Paano na mga taong nangarap?
na ang mga bitwin makamtan at mayakap?
Alam ko may mga tanong na di kayang sagutin
At wala tayong mapapala kahit ito'y alamin,
Ang mga isinilang ba ng Gumawa ay walang mapapala?
Bakit ipagkakait ang kasiyahan sa atin ni bathala?
Mahal tayo ng Diyos yan ang pinanghahawakan nating kataga.
Nais nya'y kasiyahan natin, bakit nya ipagkakaila?
Bulag sa kautusan sya rin bang ikakahiya?
Patas sa lahat, Patas sa husga, bakit hiling di nya magawa?
Ano nga ba ang pagmamahal bakit nya ito nilikha?
Diba kung ang tao'y kapag umibig lahat ibibigay?
Di kayang tiisin lumuluhang mahal sa buhay?
Handang ibigay ang lahat, ng buhay maging makulay?
Wika ng Diyos gawa tayo sa kanyang wangis,
Tayo'y mahalaga at kampi sya sa ating nais;
Kung ganun bakit simpleng kahilingan ay wala?
Di nya kayang ibigay kahit naghirap na ako sa pag gawa?
Poot ang nararamdaman ko sa kanya at di galit,
Masaya at masunuring pamumuhay ko sa kanya'y nagpalit,
Mga masasamang balak ang pumapasok sa aking isip;
Gusto ko sa harap ko siya'y mag paliwanag at lumapit .
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...