Ito na ang aking pinili,
Ang huwag na magsalita't tumahimik,
Sa gulong ito dulo't ng aking disisyon,
Nanag pa konsensya sa aking posisyon,
Gurong nakasaksi'y nagsalita,
"Ito ang papel at kayo'y pumirma,
At ipangako nyo sa'kin na di na mauulit pa,"
Grupo'y nangako ngunit parang ipapako,
Wala sa puso ang kunwari'y pangako,
Pagtataka naman ang saloobin ng aking puso,
Mali ba na ipagtanggol ang pinagkaitan ng husto?
Mali ba na ang kapayapaan ay sakupin ng mundo?
Naki-ayon na lang ako na ako ang pasimuno ng gulo,
Sumang ayon naman ang aming tapagturo.
Larawan ng gulo'y natapos na rin,
Balik sa ikwela at dating gawain.
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...