Grupo ng mga lalake na may limang miyembro,
Ang syang sa gulo mismo ay di makuntento,
Kanilang pinagtritripan kahit di kasekso,
Masasamang hangrin ang kanilang plano.
O, anong sakit na salita ang binabato nila sa mahihina?
Ang kapayapaan ng dukha ay kanilang kinukuha!
Kaligayan at dangal kanilang sinisira,
Walang katuturan na sa kanila'y nagpapasaya.
Galit ang bumalot sa akin ng ito'y masaksihan,
Isang maling desisyon na ito ay aking pakawalan,
Nais ko na ang kapayapaan ay makamtan,
Ng mga mahihinang pinagmamalabisan.
Di tugma sa bayan na aking sinilangan,
Ang mga tao dito'y walang pagmamahalan,
kaya't init ng ulo ang aking ipina-iiral,
Dahil di nila tamo ang syang dapat larawan at ilaw.
Hindi nakakatuwa ang pag-gamit ng dahas,
Na sya nilang ginagamit sa mahihina ng marahas,
Anong layunin ng mga taong ito?
Ang buhay ba nila'y minsan ng nabigo?
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoesíaPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...