Namanaag ang tunog ng kampanilya,
Ang gulo ay tila huminto na,
Nag labasan aking mga ka-eskwela,
Dala ang kanya-kayang gamit nila.
Silang lahat ay lumabas ng silid,
Ako nalamang ang di pa umaalis,
Tumitingin sa paligid at sa mga walis,
Muntik na rin na ako ay papaalis.
Ideya ang pumasok sa isip,
Upuan tinignan at napaisip,
Paano kung ako'y gumuhit?
Guhit sa utak nakakawit.
Umupo ako sa bakanteng upuan,
Inilabas ang aking mga kagamitan,
Gumuhit ako ng lalakeng matino,
Tinignan pagkakatulad sakin sa mundo.
Gusto ko abutin ang punto ng aking guhit
Ito'y maaliwalas at magandang paligid,
Umaasa narin na matamo kapayaan sa silid,
Kapayapaan sa literal na aking paligid.
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...