Tampo p.2

283 11 2
                                    


Yesi's POV

Hayy,,, medyo nawala-wala na yung tampo ko kay Xian, pero ayoko muna siyang kausapin...

Pero may gana naman akong pumasok at mag-aral except ang kausapin si Xian, okay? Good vibes, good vibes lang muna at wag' iisipin si Xian..

Naglakad na ako papunta sa third floor at pagdating ko sa second floor nakita ko na agad ang ayokong isipin..

"Yesi..."

Dadaan na sana ako kaso lang, hinarangan niya ako

"Xian... sorry talaga, masama pa ang pakiramdam ko, at medyo nahihilo pa ako kaya... sana padaanin mo na ko please? Kakausapin naman kita kapag hindi na masama ang pakiramdam ko" malumanay na walang ganang sabi ko kay Xian

"Sige pero i-promise mo muna na kakausapin mo ako pag hindi na masama ang pakiramdam mo ha?"

"Opo.."

Yayakapin niya sana ako kaso umiwas ako at hindi lumingon sa kanya para hindi niya isipin na iniiwasan ko talaga siya...

Nang makarating na ako sa upuan ko ay nagtakip ako ng jacket ko at ipinatong ko ang ulo ko sa braso kong nasa arm chair

Di ko napansin na nakatulog pala ako sa sobrang pagod ko kahapon, nagising  na lamang ako ng gisingin ako ni Agatha..

"Yesi, gising lunch break na. Napuyat ka ba?"

"Ahh, oo eh... nag dota kasi ako kagabi" magsisinungaling ko pero nagdo-dota din naman ako hindi lang nga araw-araw tuwing weekends lang.

"Yan kasi laro ng laro, dapat kasi maaga kang natutlog hindi yung pag oras ng klase natin saka ka a-aurang matulog jan"

"Opo, miss Minchin... hehehe" matamlay na sabi ko

"Miss Minchin ka jan, mag lunch kana. Uuwi na kaya ako sa bahay! Ginising lang naman kita, baka kung ano pang sabihin mo pagnagising kang tapos na ang break"

"sige na umuwi kana, mamaya pa kasi ako bababa thank you na rin sa paggising saakin"

"Okay, bye!"

Lumabas na siya, at ako naman ay nagpunta sa roof top at siyempre kumain muna ako bago nag punta dito

Ang sarap ng simoy ng hangin...

Ng may biglang may nagtakip ng mga mata ko...

Pero hindi ko na lang tinanggal yun sa halip umiyak ako, siguro napansin niya unti- unting nabasa ang kamay niya kaya tinanggal niya na ang kamay niya at pinunasan ang luha sa mga mata ko...

"Yesi... sorry na"

"Ahhh, kailan ba ako nagalit sa'yo? Sorry ka ng sorry"

"Bakit umiiyak ka pa rin?"

"Wala to' tears of joy lang to noh"

"Wag, ka na ngang magsinungaling alam ko namang galit ka eh"

"Edi galit, ang kulit mo! Magisa ka na nga jan!" Aalis na nga sana ako kaso lang hinawakan na naman niya ang aking kamay kaya napaupo ako

"Sorry, na... kung hindi ka galit, eh ano?"

"Tampo lang"

"Wag ka ng magtampo"

"Hindi na nga ako nagtatampo sa'yo ngayon, kahapon at kanina oo"

"Sorry na po baby ko"

"Baby mo mukha mo"

"Tingnan mo to, ganyan na naman"

"Aalis na ako?"

"Wag, nagpaalam na ako sa lahat ng teacher natin ngayong hapon na excuse tayo dahil may aasikasuhin tayo"

Nagulat ako bigla niya akong yakpin ng mahigpit, di na ako makahinga..

"Ops! Bawal yan" sabi ko sakanya

"Nilalambing lang naman kita bebe ko"

"Kahit na, off limit yan"

" hug na lang"

"Wag' na may pupuntahan pa ako"

"Huh? Kanino kay Jn mo naman ba?"

"Bakit ba sa tuwing aalis ako, siya na lang palagi ang iniisip mo na pupuntahan ko pwede namang lugar yun o bagay ah? Bahala ka sa buhay mo kung yan ang naiisip mo, o baka gusto mo naman na sa'yo ako makipag break at hindi niyo na ako makikitang dalawa kung gusto niyo rin, kayo na lang magsama bwiset!"

Hindi pa ako nakakaalis, pero niyakap niya ako

"Yesi, palagi mo nalang ba ako tatakutin? Ayoko ng ganyang usapan na break break"

"Ewan ko ba sainyong mga lalaki, eh ayaw niyong gawin sainyo pero, kayo naman mismo ang nagbibigay rason kung bakit namin ginagawang mga babae yun, hayyy nako Xian, may gana na sana akong kausapin ulit nawala lang ulit. Magisa kana nga jan, bitaw!"

"Ano? Kaya lagi tayong nagaaway eh.. kasi lagi kana lang napipikon"

"Wow, just wow huh?! Kasi alam mo palagi ko na lang napapansin na sinusumbat mo saakin yung mga ugali mo, sino bang unang nag bigay ng malisya sa pag-alis ko? Ako ba? Di ba ikaw! Sayo nako sa ganto.... eh pagod na ako, kasi hindi ganto ang pinangarap kong relasyon"

"Ahhh, baka ang pinangarap mong ralasyon eh ang kasama mo ang James Nian Santos mo or sabihin na nating Jn Santos ng buhay mo, baka nga pag kasama mo ako siya pa rin ang nasa isip mo"

"Bahala ka sa gusto mong isipin, hindi naman ibang tao ang magsisiksik niyang inisip mo, ikaw din naman kaya bahala ka na"

"Oo talaga, mas mabuti pang maaga pa lang mag break na tayo"

"Buti naman nag pakatotoo kana na si Nia pa rin ang puso't isip mo kaya kapag may gagawin akong importante si Jn nalang ang laging nasa isip mong pupuntahan ko"

"Goodbye" pareho naming sabi sa isa't isa...

Kahit nalulungkot ako wala akong magagawa lalo na kung ang taong minamahal mo ay hindi talaga para sa iyo... KAILAN NIYA KAYA AKO MAPAPANSIN??

              
              ****😢😢😢****

#KMBAM ( YeXian )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon