Yesi's POVNagising ako at pagkadilat ko ng mata ko ay nasa kwarto na ako ni Nian, Agad akong bumangon at bumaba nakita ko silang kumakaing dalawa ng breakfast nila, nagtatawanan rin sila ng makita nila ako...
"Ohh,,, Yesi. Gising kana pala.. ang daya mo naman iniwanan mo ako sa kwarto mag isa"
"Ahh, hehehe.. di kasi ako sanay eh" naiilang kong sabi kay Jeth, siguro mukha na ako ditong kamatis sa pagkahiya...
"Siguro nga, kasi namumula kana jan, dapat siguro saakin kana lang tumabi, hahaha"
"Huwag mo na nga kuya asarin si Yesi, nahihiya na nga yung tao eh"
"Woww... over protective ahh, nagpapakitang gilas?"
Pinutol ko nag pag-uusap nila at nagsalita..
"Ahh, Jeth at Nian... kailangan ko ng umuwi ha? Kasi m-may kailangan pa akong asikasuhin eh"
"Ahh, sige hatid na kita sa may gate"
"Wag' na, thank you..."
"Sige, ingat po kayo Captain" sabi nilang dalawa saakin at ng salute pa.. hahaha
"Sige na.. bye!"
Naglakad na ako papunta sa may gate at pagbukas ko nakita ko si Xian... Lagot ka po!!!
"Yesi?"
"X-xian.."
"Sabi ko na nga ba dito ka lang pumunta eh"
"..."
"Ano? Wala kang maisasagot, kasi mali ka, tama? Sumagot ka.. sumagot ka!!"
Habang nagsasalita siya ay, nagumpisa na akong umiyak.. ang sakit niyang magsalita,
"Anong gusto mong sabihin ko? Kahit ano naman paliwanag ko eh.. hindi ka rin naman maniniwala DIBA? Kaya wala na akong dapat sabihin paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, wala na rin naman tayo ehh.. at dahil yun sa'yo"
"Ako ba, eh anong klase ka bang babae ha? Pagkatapos mo sa isa iba naman?? Ganoon ka diba?"
Hindi ko siya pinakinggan....
Naglakad lang ako habang umiiyak
Pero hinawakan niya ako sa braso ko ng mahigpit..."Ano? Susumbatan mo ulit ako? Sige, lahat ng napapansin mo sabihin mo, tutal ang tingin mo naman saakin, two timer, malandi, manloloko, lahat hindi siniseryoso, alam kong hindi mo naman ako minahal eh kasi pinaasa mo lang ako, pero kahit kailan hindi kita pinaasa, lahat ginawa ko para hindi tayo masira at magtalo pero nagpadala ka sa galit mo... isipin mo nung mga panahon na lagi nalang akong nagtitiis hanggangali ngayon dahil iba ang nasa puso't isip mo, hindi ako manhid Xian"
Tumalikod na ako sakanya, at pinilit kong tignan siya at ngitian..
"Pinapalaya na kita... Sana maging masaya ka sa piling ng iba.." sabi ko sakanya at tumalikod na ako ng tuluyan, pero di pa man ako nakakalayo kinapitan na niya ako sa kamay ko...
Kaya napaharap ako sakanya..
At ang lumabas lang sa bibig niya ay:"Paano kung ayaw ko?? Paano kung ikaw lang, ikaw ang makakapagpasaya saakin??"
_____________________________
😙
BINABASA MO ANG
#KMBAM ( YeXian )
Teen FictionMarami na akong nagustuhan, pero kahit isang beses never ko pa itong naramdaman. Kasi, sakanya lagi akong nasasaktan. Minsan nga natanong ko na siya kung sino ba ang gusto niya, pero kahit masakit na hindi ako ang gusto niya, ito pa rin ako todo sup...