PLAYGIRL 8: FOOD FIGHT

60 4 0
                                    







Jane's POV



#$%&-+*"':;! Sino ang Gagong bumato sakin! The F! Nagiinit ang ulo ko! Pwede nang magprito ng itlog! Pinahid pahid ko ang burger na nasa uniform ko.



"SINO ANG BUMATO SAKIN!!" ulit ko nanaman. Mga bingi ba sila. Tsk tsk! Pero wait! Galit ako ngayon kaya dahan-dahan lang magsalita masisira image ko. Inhale-exhale. Huminga muna ako ng malalim.



"Sino ba kase ang bumato sakin?" Mahinahong sabi ko. Sabay-sabay halos silang lahat na tumingin sa isang gawi. Siguro andoon yung bumato sakin. Lagot ka sakin mamaya kung sino ka man.



Naglakad ako papalapit sa gawi kung saan sila nakatingin. Nakita ko ang isang babae na filthy(sobrang madumi kung sakaling mga bobo kayo). Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.



"Mamili ka. Susunod ka sakin palabas dito? O ipapahiya kita sa harap ng maraming tao?" Bulong ko. Gandang choices no? Parehas kapahamakan.



Nakita kong bahagya niyang pinunasan ang mukha niya na punong-puno ng kung ano-anong pagkain gamit ang kamay niya. Yuck! Yuck! Ang dami naman palang tagihawat ng babaeng to! Tsk kadiri. Tiningnan ko siya na parang diring-diri ako. Nakita ko namang tinaasan niya ako ng kilay. Aba palaban pala to ha. Tingnan natin tapang mo.



"Ano na? Susunod ka na sakin o bobo ka parin?" Mahinang sabi ko. Syempre mamaya may lalaki pang makarinig ng kamalditahan ko. Mahirap na.



"Tara na!" Sigaw niya kaya naman tumalikod na ako at naglakad. Naramdaman ko namang sumusunod siya sakin.



Nang makalabas kami ng cafeteria nakita kong nakasunod parin ang mga lalaking linta sakin. Hinila ko ang patilya ng buhok ng babaeng polkadots ang mukha saka ako nagpatuloy sa paglalakad.



"A-Aray! Ano ba! Tama na!" Sigaw niya.



"Hoy panget! Tigilan mo nga ang pinsan ko!" Sigaw ng kung sino man. Nilingon ko ang lugar kung saan nanggaling ang boses na yun.



Tsk! Si pusit nanaman. Remember the girl na humarang sakin nung first day of school? Siya yun. Yung babaeng uling.



"Magpinsan pala kayo? Kayo pala ang chocolate hills na magpinsan no?" Sabi ko sabay mahinang tumawa.

Playgirl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon