Jane's POV
"Hindi naman kasi yun eh!"
Ano ba naman yan ang aga-aga may nagsisigawan kaagad. Tsk!
"So ano? Kunyare wala akong nakita kagabi? Kunyare di ko nakita yung kalandian mo kagabi?!"
Ano ba yan. Tsk! Aga-aga masilip nga kung sino yung nag-aaway.
"Pwede ba manahimik ka nalang? Iritang irita na ako sayo!"
Bahagya kong binuksan ang pintuan ko. Nakita ko din ang kambal ko na bahagyang sumilip din sa labas ng kwarto niya. Nakita Kong sumenyas siya na lumapit ako kaya naman mabilis akong pumunta sa kwarto niya.
"Sila mom at dad nanaman ba?" Tanong ko.
"Sino pa ba?" Sagot niya. Tsk! Ganda talagang kausap no?
"Tinatanong kita tapos gagatungan mo ng isa pang tanong. Hooray sa napakatalino kong kapatid" bagot kong sabi.
"Pero Pogi" sabi niya sabay pogi sign. Inirapan ko nalang siya.
Pumunta nalang ako sa kwarto ko para maligo at bumaba na din ako pagkatapos para magbreakfast dahil wala namang saysay kung makikinig pa ako sa away bata----este ng mga magulang ko pala. Lagi nalang silang ganyan tsk! Nakakasawa din kaya!
Nakita ko namang sumunod lang din kaagad ang kambal kong si Joshua at naupo siya sa tabi ko.
"Ganda ng alarm clock natin no? Libre pa" sabi ni Joshua.
"Hoy Emmanuel kumain ka nalang diyan! Mas maganda yun gawin para di tayo ma-late!" Sabi ko.
"Diba sabi ko naman sayo na I hate that name? Alam mo bang nakakaasar?" Sabi niya habang nakataas ang kanang kilay niya.
"Kaya nga kita tinatawag sa pangalan mong yon dahil naaasar ka. Ang kyoot-kyoot talaga ng kambal ko!" Sabi ko sabay pisil sa magkabila niyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Playgirl's Love
Novela JuvenilSa mundong ibabaw... May nagmamahalan... May nagmamahal... May minamahal... May mamahalin... May minahal... Meron ding hindi inakalang mamahalin mo pala... Sabi nga nila, it's not about the beauty, it's about the heart that counts. Ngunit alam nama...