PLAYGIRL 27: MOVING ON

51 4 0
                                    




Ivan's POV





(Play  the multimedia for better reading)





"Ivan..."





Biglang may babaeng nagsalita sa likod ko. Nilingon ko siya para makita ko kung sino. Ahh siya lang pala. Akala ko naman si ano na. Umasa na naman ako. Hahaha hirap talaga umasa. Hilig ko kasing umasa eh kaya palaging nasasaktan.





"Ivan, why are you nandito? What ba ginagawa mo?" Sabi ni Katey. Hindi ko nalang siya sinagot. Wala ako sa mood makipag-usap.





"Diba dapat you're nasa party?" Tanong niya pa sakin.





"Ayoko don." sabi ko naman. Boring naman kasi dun. Ayaw ko lang sabihin yung totoong dahilan. Masakit kasi. Masasaktan lang ako.





"Ahh. Sayang naman. We're so masaya there bakit di mo i-try?" Sabi pa niya pero di ko siya inimikan. Ilang minuto din kaming tumahimik.





Hindi ko sinisisi si Jane sa nangyayari sakin ngayon dahil wala naman siyang alam. Hindi ko man lang pinaalam. Pero siguro kung hindi ko siya nakilala, siguro masaya ako ngayon. Siguro nandoon ako sa party ngayon nageenjoy. Siguro hindi ako nalulungkot ngayon. Siguro hindi ko ito naiisip ngayon. Pwede bang baguhin nalang ang nakaraan kung saan di ko nalang makikilala si Jane? Ayaw ko na eh. Alam kong sinabi kong hihinto muna ako, pero di ko magawa eh. Di ko kaya. Mahirap. Yung kahit anong pilit mo sa sarili mo hindi mo magawa.





"Katey..." Sabi ko at nakita ko naman na nilingon ako ni Katey ng nakangiti.





"Ano yon?" Sabi niya habang nakangiti. Buti pa siya masaya.





Playgirl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon