PLAYGIRL 30: NE (part 3)

38 4 1
                                    




Ivan's POV





"Aaahhhhhhh!!! Mama! Papa! May magnanakaw nakapasok!" Sabi nung isang lalaki. Ay babae yata? Lalaking babae? Babaeng lalaki? Aba ewan!





"Ha nasaan?" Pagmamadali ni yaya Lina. Nakita ko namang may dala-dala nang itak si Tito Betto.





"Ahhhh yan ma!! Iyan!" Turo niya sakin. Grabe mukha ba talaga akong magnanakaw?





"Anak naman! Bisita natin yan!" Sabi pa ni Tito Betto.





"Robelinda! Anak yan ng amo ko! Dito siya matutulog ngayon!" Pagpapaliwanag ni yaya Lina.





"Ma! Robi po! ganun ba? Lintek oh. Musta bro? Pasensya haa. Naystumityow yow yow" sabi pa niya habang nakatakip ang isa niyang kamay sa bibig niya at tinataas baba ang kamay niya. May saltik din ata to?





"K lang" sagot ko naman. Tsk.





"Asan ang magnanakaw?" Tanong naman ni Grace na may dalawang guhit sa pisngi na parang batang bonakid. Nakahelmet din siya saka may dala dalang sandok at takip ng kaldero. Yung totoo?





Lahat kami bagot lang na nakatingin sakanya. Siguro lahat kami iisa ang sinasabi sa isip namin. Tangina.





"Anak uminom ka na ba ng gamot mo?" Tanong ni Tito Betto. Nakita naman namin ang nagtatakang mukha ni Grace. Hayy Grace. Tangina mo Grace. Tangina mo.





"Bahala na kayo dito. Nagiinuman pa kami sa likod" sabi ni Tito Betto. Si yaya Lina naman bumalik na sa kwarto niya. Yung si Robi daw lumabas din kung saan pumunta yung papa niya.

Playgirl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon