Jane's POV
Isang buwan na din ang lumipas pagkatapos ng intramurals namin. Dumaan na din ang DSPC namin which is for Journalists. Nag news writing ako. Oh diba? May ibubuga ang utak ko! Boom manes. Hindi lang puro kalandian ang alam. Running for first honor yata 'to eh. Huahuahua ganda ko.
Pero maiba tayo. Sa intrams na yun din nagsimula itong nararamdaman ko. Hindi ko sure kung tama ako sa hinila ko pero---ewan bahala na! Kung oo man edi waw diba?
Lagi din akong kinakausap at sinasamahan ni Ivan. Minsan nga C-CR ako eh papasok na din sana siya buti na lang pinigilan ko. Yung iba ngang eSTUPIDyante eh laging napapatingin sa amin. Minsan sinusubukan pa akong akbayan nung Ivan na yun pero --NO! Di pwede ah! Lalo lang sumasakit ang tiyan ko kapag ginagawa niya yun. Lagi din ako nun inaasar sa mga manliligaw ko kaya lagi kong hinahampas yung bwisit na yun. Kapag hinahampas ko naman tawa lang nang tawa ang gago.
Katabi ko pamandin ang gago sa upuan. Lagi niyang inilalapit yung upuan niya sa upuan ko. Sa gilid kasi si ungas na ang katabi ko dahil bakante lang. Tuwing may quiz sinisigurado pa ni Ivan yung sagot niya dahil tinatanong niya pa sa akin. Eh lagi naman mataas ang grades ng bwisit na yun.
Alam niyo kung ano pa ang nakakainis? Lagi niya akong pinipicturan! Aba ang pangit ko dun sa picture! Bwisit! Tatawagin niya ako tapos pipicturan niya tapos tatawa ang gago. Alam kong maganda ako pero ang epic ng mukha ko dun sa mga picture ko sa cellphone niya. Bwisit din yun dahil nagtetext pa sa akin. Nagpakilala pa siyang siya daw si Mr. KAGWAPUHAN. Tangina ang hangin diba? Nung una akala ko pa nga si Dwight eh. Dahil basta mahangin isa lang sa mitxeagle yun. Pero mas unang papasok sa isip ko si Dwight pangalawa si Ivan.
Nagprisinta din si Ivan i-hatid sundo ako pero no! No! No! No! Buti na lang andiyan si mahal kong kakambal na nagsabing siya naman daw ang kasama ko kaya no need. I love you twinnie. Pero syempre di ko yun sasabihin sa kanya dahil lalaki ang ulo nun.
BINABASA MO ANG
Playgirl's Love
Novela JuvenilSa mundong ibabaw... May nagmamahalan... May nagmamahal... May minamahal... May mamahalin... May minahal... Meron ding hindi inakalang mamahalin mo pala... Sabi nga nila, it's not about the beauty, it's about the heart that counts. Ngunit alam nama...