PLAYGIRL 61: HBD

56 5 0
                                    






Ivan's POV






Excited na excited na ako. Kahit naman confident na confident ako sa kagwapuhan ko eh syempre marunong din naman akong kabahan. Ngayon ko kasi balak tanungin si Jane kung pwede na ba siyang maging akin. Ay mali! Correction. Kung pwede bang maging pagmamay-ari ko siya. Akin naman kasi si Jane kahit anong mang yari kaya no big deal. Ngayon ko naisip tanungin 'to sa kanya dahil today is October 1 and magandang monthsary ang 1 saka birthday niya ngayon. Pambihirang babae nga na yon, sarili niyang birthday di niya maalala.






Nagdri-drive na ako papunta sa may gate ng school para sunduin si Jane my labs. Ipinarada ko na ang sasakyang gamit ko. Pagkababa ko ay kinuha ko ang bouquet ng ferrero. Yes bouquet ng chocolate po. Habang papalapit sa gate ay inayos ayos ko pa ang polo ko at ang sarili ko. Ginawa ko din ang last hagod ng buhok dahil inabot ako ng ilang minuto kakaayos ng buhok ko at kakapabango.






Oh ayan! Ayos na! Gwapong gwapo na, as always lang naman pero nadagdagan lang ng ilang ligo. Pogier than before! Mr. Poging pogi at your service!






Ilang saglit lang ako naglalakad nang may matanaw akong dalawang tao sa may gate. Syempre tao, makatakot pag hindi yan sila tao. Natigilan ang paa ko sa paglalakad at marahan akong napalunok ng sarili kong laway. Magkasama kasi silang dalawa. Hindi ko lang sigurado kung nag-uusap ba sila o ano pero isa lang ang sigurado ko. Nakangiti si Brian. Nakakahiya naman sa kanila kung e-epal pa ako. Wrong timing! Buset!






May nakita akong basurahan sa di kalayuang poste at itinapon ko nalang ang bouquet ng ferrero na para sana kay Jane my labs. Pinagmasdan ko pa sila saglit. Medyo kumikirot ang puso ko, medyo lang naman, dahil sa panghihinayang sa maling pagkakataon. Okay lang naman na masira ang plano kong surpresa pero di ko hahayaang masira ang plano ng mga kaibigan namin na surpresa para sa birthday niya kaya naman tumakbo na ako papalapit.






"Jane.../Jane!" nagkasabay pa kaming banggit ni Brian. Syempre medyo malapit na ako sa kanila kaya rinig na rinig ko ang sinabi niya. Tumingin si Jane sa akin kaya nginitian ko siya na parang wala akong iniindang panghihinayang, na parang okay lang lahat na parang walang problema. Pinagmasdan pa niya ako saglit at tumingin ulit kay Brian.

Playgirl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon