PLAYGIRL 16: CAFETERIA

55 5 2
                                    






Jane's POV





Bakit kaya sila magkasama? Siguro nagkasalubong lang? Pero para saan yung halik.





"Hoy panget!" Narinig kong sigaw ng isang babae kaya naman nilingon ko siya. Tsk ang negrang pusit nanaman.





"Naghihirap na ba kayo ngayon at diyan ka nakaupo?" Putak nanaman niya. Haiyst!





"Malamang nagtatago ako. Boba ka ba? Di tayo magkatulad!" Sabi ko naman.





"Baka gusto mo ng sabunot?" Pananakot pa niya sakin. Hayy sa tingin naman niya natatakot ako.





"Pumunta ka sa cafeteria." Utos ko sa kanya.





"Sino ka para utusan ako?" Tanong naman ng tangang nasa harapan ko.





"Tsk! Di ka nalang magpasalamat at pinagaaksayahan ka pa ng oras ng isang katulad ko. Dun tayo magsabunutan sa mas maraming tao. Para maraming audience." sabi ko sabay irap. Eh gusto ko dun eh for attention. Hihihi.





"Game ako diyan!" Sabi naman niya. Kaya inunahan ko na siyang pumunta sa cafeteria.





Nang makarating na kami doon tinaasan ko lang siya ng kilay. Sakto maraming tao at tumingin na sila agad samin. Syempre Jane Mendoza eh. Agaw atensyon.





Bigla nalang niya akong sinabunutan pero di ako lumalaban. Syempre galawang Jane.



Playgirl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon