Enzo's POV
"Mr. Lorenzo" narinig kong banggit ni Jane na may diin. Naka juskooo Lord. Pinakalma ko ang sarili ko saka ako tumingin sa kanya at ngumiti.
"Yes?" banggit ko na halata ang panginginig maging sa boses ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" narinig kong malakas na nakakapang asar na tawa ni Dwight. Tiningnan ko siya ng masama pero nag peace sign lang siya. Nag sorry din siya ng walang boses. Binalik ko ang tingin ko kay Jane na masama parin ang tingin sa akin. Napapikit ako dahil sa takot. Lord patawad po sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Sana po papasukin niyo parin po ako sa langit. Kung kasalanan man ang maging gwapo patawad po. Malugod kong tatanggapin ang kaparusahang kaakibat nito.
"Ano ba talagang trip mo?" narinig kong banggit niya na may diin sa bawat salita. Nakooo, ano nang gagawin ko? Nagsimula na akong mag sign of the cross at nagsimula na akong banggitin ang bawat apostol ni Hesus at iba't ibang santo. Iminulat ko ang isa kong mata at nakita ko naman si Ivan at Katey na magkasama. Nakita kong nakangisi si Katey at si Ivan naman ay naglilisik ang mata na nakatitig sa amin. Huhuhuhuhuhuhuhuhuhu lagot na talaga ako. Pero biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Lee.
-flashback-
"Eh anong gagawin ko kapag nakita kami ni Ivan na magkasama kami ni Jane?" tanong ko kay Lee habang nagtitingin ng bulaklak dito sa flower shop. Lumingon siya sa akin at dahan-dahang lumapit habang nakatitig parin. Napaatras naman ako dahil sa patuloy niyang paglapit.
"Halikan mo." wika niya.
BINABASA MO ANG
Playgirl's Love
Novela JuvenilSa mundong ibabaw... May nagmamahalan... May nagmamahal... May minamahal... May mamahalin... May minahal... Meron ding hindi inakalang mamahalin mo pala... Sabi nga nila, it's not about the beauty, it's about the heart that counts. Ngunit alam nama...