PLAYGIRL 10: PAGBABALIK

70 5 0
                                    







Jane's POV



Medyo late na ako nagising dahil napuyat ako kagabi. Alam niyo naman nangyari diba? Di kailangang paulit-ulit pang mga tanga lang yun. Naligo na ako saka nag bihis. Tiningnan ko ang orasan at 8:30am na.



Bumaba na ako para kumain pero nakita ko si Daddy na may hawak na alak. Tsk! Nagiinom nanaman siya.



"Where's mom?" Tanong ko sakanya. Teka bakit ba yan nandito? Diba may trabaho yan? Kami kase ang may ari ng MZ entertainment company na siya ang namamahala. Medyo bata pa naman itsura ni daddy dahil bata pa naman talaga siya dahil maaga sila nagkaanak ni mommy. College palang sila nagkaanak na sila. Buti nalang nakagraduate sila.



Si mommy naman ay isang model kaya pagmamay-ari din namin ang isa sa pinakamalaking kumpanya na nagpapasok ng mga artista at model sa buong mundo. Kaya nga model din ako diba*wink*.



"I don't know and I don't want to know." Sabi ni dad. Tsk.



"Whatevs. Wala ka talagang kwentang asawa." Sabi ko pa. Mas close kasi kami ni dad dati pero ewan ko ba nung nag high school ako mas naging close ako kay mommy. Hindi ko na pinaniniwalaan lahat ng sinasabi ni dad mula nung sinabi sakin ni mommy na palagi siyang inaaway at binubugbog ni dad.



Pumunta nalang ako sa dining area at ayaw ko nang makipagusap pa sakanya.



Natapos na ako kumain at pupunta na sana ako sa sasakyan namin para pumunta na sa school pero naalala ko ang magaling kong kakambal. Teka? Asan si Joshua?



Pumunta nalang ako sa taas para puntahan siya sa kwarto niya. Nakita kong bahagyang nakabukas ang pintuan kaya di na ako kumatok.



Nang buksan ko ang pintuan nanlaki ang mata ko. Teka! Anong ginagawa niya dito?



"What. The. Effin. Duck.! Kookie! What are you doing here?"gulat na gulat kong sabi. Eh pano ba naman kase magkayakap silang dalawang nanunuod ng tv. Si Courtney at ang kakambal ko?



"Courtney? Are you kidding me? Is this for real? Oh no you must be joking." Sabi ko habang mukang tanga parin ako dito sa pintuan.



"Okay let me explain" sabi ng kakambal ko.

Playgirl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon