PLAYGIRL 28: NE (part 1)

51 2 1
                                    




Ivan's POV





4:00am





OTW na kami papuntang Nueva Ecija. Nagdala ako ng mga gamit na baka mga gamitin ko. Si yaya naman kanina pa suka ng suka. Hindi talaga siya sanay sa byahe.





"Yaya Lina. Andito na po tayo sa Cabanatuan. Saan po ba tayo dito sa Nueva Ecija?" Tanong ko.





"Dun tayo sa Pantabangan hijo" sagot ni yaya.





"Di ko po alam daan papunta dun eh"





"Ituturo ko nalang" sabi ni yaya at nagpatuloy na ako sa pagmamaneho.





"Grabe yaya, puro tricycle pala dito no?" Sabi ko.





"Syempre naman, kaya nga tinawag itong tricycle capital eh" sagot ni yaya. Oh well.





Ilang oras ang lumipas at nakarating na kami dito sa Pantabangan. Siguro estimate ko mga nasa tatlong oras ang byahe namin. Puro malalawak na palayan ang nakikita ko. May nga kalabaw, baka at iba pang hayop. Okay naging byahe ni drew na yata ang chapter na 'to.





Lumiko kami sa daan na batuhan. Hindi pa sementado. Huminto kami sa isang bahay na medyo maliit lang at gawa lang sa kahoy at pawid pero maganda ang pagkakayari.





"Mama!" Sabi ng isang babae na kasing edad ko lang yata.





"Mama buti nakarating po kayo! Namiss ka po namin. Papa! Si mama nandito!" Sigaw pa niya.

Playgirl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon