Jane's POV
Hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko kagabi. Dahil si Brian na isang kilalang may pusong bato eh umiiyak? Di ko alam kung para saan ang iyak niya pero bakit kaya? Posible kayang may nagpaiyak sa isang THE ULTIMATE PLAYBOY? Diva? Naloka ako dun. Posible kayang may minahal siya pero niloko lang siya? Kung sino man siya, isang napakalaking thank you' mula sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa, ang reyna at Dyosa ng Kagandahan, walang iba kundi ang nagiisang napakagandang AKO. Thank you sa kanya dahil parang ipinaghiganti na din niya ako sa lagay na 'yun.
Nakita ko kasi siyang nagpupunas ng luha habang nakayuko at nakatingin lang sa lupa. Pero di lang din naman nagtagal umalis na siya. Oh well who cares by the way. I'm glad na nangyari yun sa kanya.
"Jane! Mag cheer ka naman oh! Pag cheer mo yung mga kagrupo mo!" Sigaw ni Marga na katabi ko lang.
Nandito nga pala kami sa gym at nanunuod ng laban nila. Red spikers vs. Yellow smashers. Naglalaro sila Ivan at Lee kalaban nila sila Enzo. Todo sigaw ang mga fan girls ng mga agilang tsupol na mga mitxeagles na yun. Maiintindihan ko sana sila kung sila Stephen Curry yan sila eh. Ang o-OA nila kala mo naghubad dito sa harapan si Justin Bieber eh. Ayoko lang mag cheer dahil masasayang lang ang boses ko. Dahil kahit hindi naman ako sumigaw mananalo ang dapat manalo. Kapag sumigaw ba ako madadagdagan ang points nila? Hindi naman diba?
"P-U-L-A! go pula! Pula! P-U-L-A! go pula! Pula!" Sigaw ng mga katabi ko na nakikisabay sa pagpatok ng drum. Halo halo ang ingay dito sa loob ng gym. Kokonti nga lang ang nanonood sa ibang laro dahil halos lahat dito sa basketball nanunuod. Hindi pa naman finals pero ang OA nila. Tapos na din naman yung iba kong laro kaya okay na dahil bukas na daw yung mga field games at iba pang laro. Marami ding panalo kaya tiyak tiba tiba ako nito sa Friday dahil puro championship lalabanan ko. Bukas na daw yung iba kong lalaruan dahil yun ang nasa schedule.
"D-I-L-A-W! DILAW! DILAW! D-I-L-A-W! DILAW! DILAW! Go dilaw dilaw! Go dilaw dilaw! Go dilaw dilaw! Go go!"
BINABASA MO ANG
Playgirl's Love
Roman pour AdolescentsSa mundong ibabaw... May nagmamahalan... May nagmamahal... May minamahal... May mamahalin... May minahal... Meron ding hindi inakalang mamahalin mo pala... Sabi nga nila, it's not about the beauty, it's about the heart that counts. Ngunit alam nama...