Chapter 3

3.9K 63 0
                                    

CHAPTER 3

Bago pa ito tuluyang pumasok sa loob ng kanyang bahay ay nilingon nyang muli si Mario. "Ah, babalikan ko nalang po yung kotse ko sa inyo bukas."-Sam. "Ok sige, nandun naman ang anak ko bukas eh, may pasada kasi ako bukas ng maaga so wala ako dun. Pero nandun naman si Devon."-Mario. "Salamat po ulit sa paghatid."-Sam. "Naku ako dapat ang magpasalamat dahil napabait mo, sobrang laki ng perang ibinayad mo."-Mario. "Wala po yun, sige po salamat po ulit."-Sam .

At tuluyan ng umalis si Mario upang umuwi sa kanila at sabihan ang anak na tignan kung ano ang sira ng sasakyan ng binata."Tay naman, sa sobrang dami nyong iuutos sa akin bakit naman yun pa?"-Devon. "Magsabi ka nga sa akin bata ka, inaway mo nanaman ba yung tao kanina?"-Mario. "Ako po?Huh!Tay naman kailan ba ako ngaway ng hindi naman ako unang inaway?"-Devon. "Devon Mae, magsabi ka ng totoo. Kilala kita! Hindi mo man sinasabi eh pero alam kong madali kang mapikon."-Mario. "Eh tay naman kasi tawagin ba kong Sir nung ungas na yon kanina.Sino ba naman ang hindi mapipikon?"-Devon. "Paano ka naman kasing hindi mapagkakamalang lalaki eh dyan sa itsura mo, dinaig mo pa ako kung manamit panlalaki eh. Pwede mo bang itaas yang pantalon mo bata ka at masyado ng lawlaw."-Mario. "Eh tay, yan ang uso ngayon."-Devon. "Anak gusto kong magka apo, ayokong tumanda kang dalaga. Dahil sa nakikita ko sayo eh malayong mangyari na maibigay mo sa akin yon."-Mario.

Hindi na muli pang nagsalita ang dalaga dahil sa tuwing magtatalo silang magama ay iyon at iyon na lang ang parati nilang pinagtatalunan. Para sa dalaga, manamit man syang panlalaki pero ang puso nya ay babaeng babae pa din. Hindi lang sya sanay na nakamake-up, naka mataas na takong at higit sa lahat hindi ito sanay na maikli at masikip ang kanyang mga suot. Gusto man ng ama nya na magkanobyo na sya pero kahit minsan hindi ito sumagi sa kanyang isip dahilan na din na gusto nyang matulungan ang ama na makahon sa kahirapan.

Sa kabilag dako naman ay habang naghahapunan ang pamilya ni Sam ay kinausap nito ang ama tungkol sa isang bagay. "Dad, since bibilan mo naman ako ng bagong sasakyan, is it ok kung kumuha din ako ng personal driver ko?"-Sam. "Personal driver?Why would you need one?"-Fernando. "Eh kasi dad, katulad kanina nasiraan ako, wala akong alam sa mga makina ng kotse. So pag may driver ako and marunong sa kotse, masiraan man ako sa daan at least meron akong kasama hindi ako magisa."Sam. "Well you do have a point son, but do you know anyone na pwede natin i hire mas maganda sana yung kilala mo na para hindi na tayo kukuha pa sa agency."-Fernando.

 "I do have someone in mind dad, but I'll talk to him first. I'll be pickin up my car tomorrow so pagnagkita kami ako na kakausap sa kanya."-Sam. "Well, ikaw ang bahala Sam pero make sure na hindi ka lolokohin ng kukuhanin mo ha."-Fernando. "Yes, dad!"-Sam.Naisip ni Sam na kuhanin nyang personal driver ang ama ni Devon bilang alam nito na mas malaki ang suswelduhin ni Mario pag ito ang kinuha nya. Dahil na din sa gusto nyang makatulong dahil naramdaman nya kung gaano kabait ang ama ni Devon. "So when do you want to check out your new wheel?"-Fernando. Lumawak naman ang ngiti ng binata ng marinig ang sinabi ng ama. "Really dad?Pwede bukas na bukas din when I get home, pupuntahan ko lang yung car ko bukas."-Sam. "Sure son, just let me know"-Fernando.

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon