Chapter 14

2.6K 44 0
                                    

CHAPTER 14

Isang umaga maagang nagising si Sam at nagayos,hinahanap nito ang kanyang driver na si Mario upang samahan sya sa kanyang lakad. Sakto at namataan sya ng kanyang ina na nasa living. "Kung hinahanap mo ang driver mo, he's not coming."-Linda. "What?What do you mean?At ano nanaman ang ginawa ninyo ha Ma?"-Sam. "I fired him!"-Linda. "You did what?Why?Ano ba ginawa nung tao sa inyo?"-Sam. "You didn't tell me Samuel, that your driver is your girlfriend's father!"-LInda. "Eh ano naman sa inyo?Wala namang ginawang masama yung tao.You're so unfair!"-Sam. "Well, kaya kung aalis ka, ikaw lang magisa."-Linda. "You know what Ma, sana balang araw dumating sa buhay ninyo na pagsisisihan ninyo lahat ng mga ginagawa ninyong kasamaan sa iba."-Sam. Hindi naman kumibo ang ina at binigyan lang ang anak nya ng isang nakakalokong tingin.

Umalis si Sam ng walang kasamang driver.Imbis na pumunta sa importanteng lakad nito ay hindi na sya tumuloy dahil sa pagiging dismayado sa mga ginagawa ng kanyang mga magulang. Hindi umuwi ang binata nung gabing yon, imbis ay duon sya nagpalipas ng gabi sa bahay ng kaibigan at binilin dito na kapag tumawag ang kanyang mga magulang ay sabihing wala sya duon. Laking pagaalala naman ng mga magulang nya ng hindi sya umuwi.

 Hindi alam kung saan sya hahanapin. Sakto at nakuha nila ang address ng tinitirahan nila Devon dahil sa papers na pinirmahan ng ama nuong sya ay nagtatrabaho pa sa kanila. Agad nilang pinuntahan ang dalaga upang hanapin duon si Sam. Pagkadating sa bahay nila Devon ay agad nitong binulabog ang pintuan nila Devon at pilit nagiiskandalo."Nasaan ang anak ko?Ilabas mo ang anak ko babae ka!"-Linda. "Alam nyo ho, wala ho dito ang anak ninyo. Malaki na yun at alam nya at ginagawa nya."-Devon. "Sinungaling ka!"-Linda. "Teka lang naman po!Wala namang ganyanan!Wag ninyong matatawag na sinungaling ang anak ko.Kung ano man ang ngyayari sa kanila ngayon eh sana naman wag na kayong makisali."-Mario.

"Hoy!Anak ko ang kinakalantaryo ng anak mo!"-Linda. "Ma'am magdahan dahan kayo sa pananalita ninyo. Tandaan ninyo anak nyo ang lumigaw sa anak ko. At pwede ho ba kung kayo ay may pinagaralan wag naman ho kayong makipagsigawan. Nakakahiya na kayo sa mga kapitbahay namin. Naturingan kayong mayaman at may pinagaralan."-Mario. HIndi na uli kumibo ang ina ni Sam at hindi nagtagal pa ay nilisan na rin nito ang lugar nila Devon. Umuwing bigo at hindi alam kung saan hahagilapin ang binata. Lumipas ang buong araw na hindi tumatawag ang binata at ni anino nito ay hindi nasilayan ng ina sa kanilang bahay. Dis oras na ng gabi ng ito ay napagpasyahang umuwi.

Pagpasok nito sa pintuan ay sya ring kasabay ng pagbukas ng ilaw. "Saan ka nanggaling?"-Linda. "Does it really matter?"-Sam. "Of course it matters Sam!Buong araw at magdamag kaming naghintay ng dad mo sa iyo. Ni hindi ko alam kung saan ka hahagilapin. Pati si Devon pinuntahan ko na para lang hanapin ka."-Linda. "Pati ba naman sya idadamay ninyo?Yung taong kailan man walang ginawa sa inyong masama. "-Sam.

 "Mahirap lang sya Samuel!And what's worst tatay nya ang driver mo.Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag anak natin?"-Linda. "Is that what's important to you?Is kung ano sasabihin ng ibang tao?HIndi nya kasalanan na naging mahirap lang sya."-Sam.

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon