Chapter 13

2.6K 45 0
                                    

CHAPTER 13

"Fernando, tama na yan! Baka ikaw naman ang mapano."-Linda. Ipinalipas ng mag-anak ang pangyayari nung gabing iyon. Kinabukasan nagising si Sam na sobrang sakit ng ulo. Lasing man sya pero tandang tanda nya ang lahat ng mga binitiwang salita ng mga magulang nito. Agad syang nagayos para umalis ng bahay nila. Sobrang sama ng loob nito sa kanyang mga magulang. Gustuhin man sang intindihin ang mga eto pero hindi nya magawa. Pababa na si Sam ng matanaw ito ng kanyang ama. "Samuel!Saan ka pupunta?"-Fernando. "Importante pa ba yon?"-Sam. "Wag mo akong babastusin, tinatanong kita."-Fernando. "Bibisitahin ko ang girlfriend ko. Siguro naman walang masama dun."-Sam.

Agad umalis ang binata ng hindi nilingon pang muli ang ama. Pagdating sa bahay nila Devon,ang amang si Mario naman ang humarap kay Sam. "Sam, hindi man sabihin sa akin ni Devon, pero nararamdaman ko na may problema kayo. Kung ano man yan, ayusin ninyong dalawa. At ayaw kong nakikitang umiiyak ang anak ko."-Mario. "Makakasa po kayo. Nandyan po ba sya?"-Sam. "Oo pababa na, ayaw nya sanang lumabas ng kwarto pero pinilit ko lang."-Mario. "Sige po salamat po hihintayin ko nalang po sya dito."-Sam.

Makalipas ang ilang sandali ay bumaba na din ang dalaga. St bakas pa din sya sa kanyang mga mata ang mga pangyayari kagabi. "Pwede ba tayong magusap?'-Devon. "Sure, kakamustahin sana kita kung ok ka lang, pero sa itsura mo parang hindi ko na kailangang itanong yun eh."-Sam. "Nagpapatawa ka ba?Kasi hindi nakakatawa!"-Devon.

Hindi naman kumibo ang binata sa inasal ni Devon dahil alam nito kung gaano kasakit ang nararamdaman nito ngayon. Nagpagdesisyunan ng dalawa na kumain nalang sa labas. Inihatid sila ng ama ni Devon sa isang restaurant upang duon makapagusap. "Oh ano sabi ng nanay mong matapobre tungkol sa akin?"-Devon. "Please understand them Devon."-Sam. "Undestand them?Ako ba inintindi nila?Ni hindi nila ako lubos kilala tapos ganun ang maririnig ko galing sa bibig nya."-Devon. "Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Si daddy sabi sa akin pag hindi daw kita hiniwalayan aalisan nya ako ng mana!"-Sam. "Weh di sige, maghiwalay kung gusto mo!"-Devon.

"Ganyan na ba kababaw ang tingin mo sa akin?At sa tingin mo yung pera ang pipiliin ko at hindi ikaw?"-Sam. "Sam, hindi ako tanga!Alam ko kahit papaano magulang mo pan din sila kaya sila pa din ang susundun mo."-Devon. "Devon, ikaw ang mahal ko, hindi importante sa akin ang pera. Sana naman yan ang ipasok mo sa isipan mo."-Sam. "Mas mabuti pa siguro Sam, para wala ng gulo, itigil na natin ito.Ayoko ng palakihin pa ang ngyayari.I'm setting you free."-at sabay alis ng dalaga ng hindi nililingon ang binata.

Masakit man para sa kanya pero alam nyang yuon ang natatamang gawin. Umalis si Devon na luhaan. Diretsto itong umuwi sa bahay nila at hindi pa hinintay ang ama. Samantala naiwan ang binata na tulala. Hindi alam kung ano ang magiging reaksyon nya sa mga binitiwang salita ng dalaga.Masakit man sa kanya pero naiintindihan nya ang naging reaksyon nito.

 Lumipas ang mga araw at wala itong palya sa pagbisita sa bahay nila Devon pero pilit paring hindi ito hinaharap ng dalaga. Kahit maghintay sya sa labas ng bahay nila Devon ay ginawa na din nya para lang makausap ito pero parang desedido na ang dalaga sa kanyang sinabi. Ilang araw na din pilit kinakausap ng mga magulang si Sam pero pilit itong umiiwas sa tuwing magkikita sila.

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon