Chapter 4

3.6K 58 1
                                    

CHAPTER 4

Kinabukasan maagang ginising ng ama si Devon upang ipaalala dito ang kailangan nyang gawin sa kotse ni Sam. "Opo tay, babangon na po ako!"-Devon. "Anak hwag mo akong ipapahiya ah, malaki ang binayad nung tao sa akin para lang magawa mo yun."-Mario. "Oo nga po sabi ang kulit naman oh!"-pagalit nitong sagot sa ama. "Oh sige aalis na ako ha at papasada pa ako."-Mario. "Sige po tay, ingat kayo."-Devon. Umalis ang ama ni Devon at ito ay tuluyan ng namasada. Makalipas ang labin tatlong minutos, ay lumabas na din ang dalaga upang asikasuhin na din ang binilin sa kanya ng ama. Habang nasa labasan ang dalaga ay hindi nagtagal dumating na din ang binata upang tignan ang sasakyan nya. "Goodmorning sunshine!!!"-Pabungad nitong bati sa dalaga. Tumitig sa kanya ang dalaga at inirapan lang ito.

 "Somebody woke up at the wrong side of the bed!"-Sam. "Ikaw pag hindi ka tumigil iiwan ko 'tong nakatiwangwang ang sasakyan mo."-Devon. "Ok fine, I brought you breakfast incase na hindi ka pa nagaalmusal."-Sam. Napatingin ang dalaga at agad sinilip kung ano ang dalaga ni Sam na napangiti naman ang binata dahil alam nitong gutom na din ang dalaga. Tinitigan din ni Devon ang binata at sinabi dito na hindi sya nagaalmusal. "Salamat pero hindi ako gutom at higit sa lahat hindi ako nagaalmusal."-Devon. "Ok sinabi mo yan ha. Sayang masarap pa man din ang dinala kong almusal."-Sam. Bago pa man umpisahan ni Sam na kumain ay narinig nito ang pagkalam ng sikmura ng dalaga at bigla nalang syang natawa. "Sigurado ka hind ka gutom?Ang arte kasi eh!Oh ito kumain ka muna at baka himatayin ka sa gutom."-Sam. Bigla naman nahiya si Devon at hindi nakatingin sa binata. Agad nalang nitong kinuha ang inaalok nitong pagkain ng hindi ito tinitignan. "Salamat!"-Devon.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na din si Devon sa pagtitingin kung ano ang sira ng sasakyan ni Sam. "Yung starter mo ang may sira, kailangan mo ng bagong starter."-Devon. "Yun lang?Malaking sira ba yon?"-Sam. "Ano ka ba kalalaki mong tao wala kang alam sa mga sasakyan?"-Devon. "Magtatanong ba ako kung alam ko?At tsaka kaya nga may mga mechanics sa mundo para sila ang gumawa ng mga sirang sasakyan at hindi ako."-Sam. "Alam mo sana hindi ko nalang tinignan itong sasakyan mo eh, kung hindi lang dahil sa tatay ko hindi ko pagtyatyagaan talaga."-Devon. "Oh yah bago ko makalimutan, gusto ko sanang itanong ang tatay mo kung gusto nya ng mas malaking kita eh."-Sam.

"Eh sino ba may ayaw?Siguro ikaw ayaw mo pero sa aming mahihirap the bigger the better!"-Devon. Natawa naman ang binata dahil sa sinabi ni Devon. "Ano ba kasi sadya mo sa tatay ko wala dito yun pumasada, gabi pa dating non."-Devon. "Gusto ko kasi syang kuhanin na personal driver. Triple ang kita nya pagpumayag sya.I'm willing to pay him more than what he's getting from driving a jeepney."-Sam. "Talaga?Eh mapapakinabangan ka naman pala eh. Sige sasabihin ko kay tatay pagdating nya. Matutuwa yun panigurado."-Devon. "Sige ganito nalang text me nalang kung pumayag na sya ok."-Sam.

"Aba bakit tinatanong ko ba number mo?At paano ka ba nakasiguradong may cellphone ako?Pangkain nga namin tinitipid ko pa, magcecellphone pa ako."-Devon. "Ok eh di babalik nalang ako bukas dito. Aagahan ko nalang ang punta dito para maabutan ko sya."-Sam. "Di na kailangan mas maganda kung sa hapon ka pumunta, Coding bukas ng jeep nya hindi papasada yun."-Devon. "Ok sige salamat, aalis na nga pala ako. Ipapakuha ko nalang ang sasakyan ko dito."-Sam. "Ok ikaw bahala."-Devon.

Kinagabihan pagdating ng ama ni Devon ay agad naman itong sinabi sa kanya. "Tay, may goodnews ako sa inyo."-Devon. "Talaga anak?Ano yun, may nobyo kana?"-Mario. "Ano ba tay, seryoso ako."-Devon. "Eh seryoso din naman ako eh.Pero sige ano yung sasabihin mo?"-Mario. "Kasi pumunta nga dito si Sam kanina, ay gusto ka nyang alukin na maging personal driver nya. Sabi nya triple daw ang ibabayad nya sa inyo kung papayag kayo."-Devon. "Talaga anak?Naku magandang balita nga yan.Mas malaki ang maiipon natin para sa pagaaral mo."-Mario. "Oo nga po tay eh, pero kung gusto nyo lang po tay ha, baka po kasi mas mabigat ang ipapagawa nya sa inyo eh.Kayo lang naman ang inaalala ko."-Devon.

 "Hindi naman siguro anak, mas maganda nga ito eh, at least dito sagot nila lahat pati pang gas ng sasakyan.Wala na akong proproblemahin pa."-Mario. "Oh sige tay kayo bahala. Babalik daw sya bukas dito para kausapin kayo ng personal tungkol dun."-Devon. "Oh sige nak, salamat at matulog kana."-Mario

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon