Chapter 6

3.3K 57 0
                                    

CHAPTER 6

Paglipas ng humigit isang oras ay dumating sila Sam sa bahay nila, napagdesisyunan nito na ipakilala sa Ina ang bago nyang driver at para mapagusapan na din ang kanyang sweldo. "Ma! nandito na kami!"-Sam. "Oh, iho!Ang aga mo namang nasa bahay?"-Linda. "Ah Ma! Aalis din po kami, dumaan lang po dito para po iintroduce kayo sa new driver ko.Ma, si Mang Mario po. Eto naman po Mama ko!"-Sam. "Hi! Linda nalang ang itawag mo sa akin."-Linda. "Hello po ma'am!"-Mario. "Naku maupo mo muna kayo, at ng mapagusapan natin ang tema ng magiging trabaho ninyo."-Linda. "Salamat po!"-Mario.

"So bale ito naman kasing si Sam hindi naman nagtatrabaho, at bilang bakasyon ngayon hindi din nya kailangan pumasok. Kailangan lang nya ng driver pag may pinupuntahan sya. Usually wala yan sa bahay kahit bakasyon dahil parang napapaso ang mga paa nyan pagnandito sa bahay."-Pagbibiro ng ina ni Sam. "Ah ganun po ba?"-Mario. "Oo pero, teka saan ka ba umuuwi?"-Linda. "Ah ma'am medyo may kalayuan po pero ok lang po kung yung suswelduhin ko naman po eh yung sinabi ni Sir Sam."-Mario. "Ah oo triple ang ibabayad ko sayo.Pero kung gusto mo pwede kang mag stay in dito sa amin. Para hindi ka na mahirapan umuwi araw araw."-Linda.

 "Naku hindi po pupuwede kasi may dalaga po akong naiiwan sa bahay araw araw eh."-Mario. "Ah ganun ba pero sige ikaw bahala. At ang sweldo ay every 15th and 30 of each month. Anything that has to do with the car kami ang gagastos."-Linda. "Ayos po ma'am."-Mario. "Oh sige maiwan ko na kayo ha, Sam ikaw na bahala dito sa driver mo."-Linda. "Ok ma!"-Sam. "Saan po ba punta natin ngayon Sir?'-Mario. "Ah, meron po kasi akong date mamayang gabi, susunduin po natin sya sa Makati then diretso na po tayo ng restaurant."-Sam.

"Oh sige po boss, sabihin nyo nalang po sa akin kung ready na kayo"-Mario. "Sige po magaayos lang ako sandali."-Sam. At umakyat na si Sam sa itaas upang magyos. Samantala si mario naman ay lumabas upang siguraduhin na malinis ang sasakyan ni Sam.

Sa kabilang dako naman...."Uy pareng Devs, balita ko may bagong trabaho na tatay mo?"-Joe. "Ah oo, at hulaan mo kung kanino sya nagtatrabaho?"-Devon. "Kanino naman?"-Joe. "Yung lalaking antipatiko na nasiraan dito nung isang araw."-Devon. "Talaga?Pero buti naman kung ganun para mas malaki kita nya."-Joe. "Oo nga eh, excited nga sya kanina nung umalis eh."-Devon. "Uy pare, parng feel ko may HD sayo yung Sam na yon. Feel ko lang naman ha."-Joe. "Nyieta ka!Wag kang magbiro ng ganyan!"-Devon. "Weh?Kinikilig?"-Joe.

 "Ah ewan ko sayo dyan ka na uuwi na ako at madami pa akong gagawin sa bahay."-Devon. "Tignan mo yun!Ambilis mapikon.Eh mukang totoo naman yung sinasabi ko."-kausap nito sa sarili habang pinapanuod ang paglaakad papalayo ni Devon. Paguwi ng dalaga ay agad itong gumawa ng gawaing bahay. At pagkatapos ay umupo ito sa isang tabi at biglang tinitigan ang damit na binili sa kanya ng kanyang ama nung nakaraang taon. "Hay si tatay talaga, lahat gagawin maging ganap na babae lang ako.Eh hindi naman ako nagsusuot ng ganitong kaikling skirt."-saad nito sa kanyang isipan.

Tumingin ang dalaga sa salamin at pumormang parang nagaayos ng sarili. Tinanggal ang tali sa buhok, at nilagay ang skirt sa harapan nya at kanyang tinignan kung bagay ba sakanya ang magsuot ng ganitong mga damit. Pagkatapos sunduin ni Mario at ni Sam ang kanyang kadate ay umuwi lang ito sandali upang kuhanin ang naiwang lisensya sa bahay. At pagbukas ng pintuan ng bahay nagulat si Devon ng makita ang ama nito. "Oh tay, bakit po kayo nandito?Eh diba may trabaho kayo?"-Devon. "Ah oo kukunin ko lang yung lisensya ko. "-Mario. At nakita ng ama na hawak ni Devon ang damit na binili nito sa anak "Aba at sa wakas nilabas mo na din yan anak."-Mario. At itinago naman agad ng dalaga ang damit.

"Ah tay wala po nagaayos po kasi ako ng mga damit eh."Devon. "Ah sya nga pala anak bumaba ka muna nandyan si Sir Sam may kasamang babae."-Mario. At ng dahil sa sinabi ng ama parang tila may kirot syang naramdaman sa kanyang dibdib. Pero bumaba pa din ito upang harapin ang dalawa. Ngunit ng makita ni Devon ang kasamang babae ni Sam ay parang tila nakaramdam sya ng insecurity sa sarili. "Wow, ang ganda naman nya, babaeng babae at kahit walang make up maganda pa din."saad nito sa kanyang isipan. Ipinakilala naman ng ama si Devon sa kasamang babae ni Sam. At ng mapansin ni Sam na medyo iba ang timpla ng mukha ni Devon ay nangiti lang ito. "Hay Devon, kung nakabihis pambabae ka lang ikaw na sana ang idedate ko.."sambit ni Sam sa kanyang isipan.

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon