Chapter 5

3.4K 61 3
                                    

CHAPTER 5

Samantala pagkadating ni Sam sa bahay nila nung araw na yon ay agad naman nyang tinawagan ang ama upang sabihin dito na nasa bahay na sya at para masamahan na sya nito upang makabili na sya ng bago nitong sasakyan. Agad namang umuwi ang ama at sabay silang pumunta sa Car Dealership. Binilan si Sam ng ama nya ng bagong BMW na convertible. Masayang masayang umuwi si Sam dahil sa bago nitong sasakyan at lalo pa syang nasihayan dahil alam nyang hindi makakahindi sa kanya si Mario bilang personal driver nito. Kinabukasan ay agad syang nagpadala ng tow truck para makuha ang kanyang sasakyan sa bahay nila Devon. Pagkatapos nyang mananghalian sa bahay nila ay agad naman itong pumunta kila Devon upang kausapin ang ama nito.

"Devon! Devon! Mang Mario!"-pagkatok nito sa pintuan ng bahay nila Devon. "Oh Sam, napadaan ka?Halika pasok ka sa loob."-Mario. "Salamat po!"-Sam. "Ano ba ang atin?"-Mario. "Ah, naikwento na po ba sa inyo ni Devon yung sinabi ko po sa kanya kahapon?"-Sam. "Ah yung tungkol dun sa personal driver?Oo nasabi na sa akin ni Devon."-Mario. "Ah tatanong ko lang po sana kung tatanggapin nyo po yung alok ko."-Sam. "Aba syempre naman iho, anlaki ng kikitain ko duon.Sayang din na pandagdag sa pangipon para maipagpatuloy na ni Devon ang pag-aaral nya."-Mario. "Mabuti naman po kung ganun.Kailan po ba kayo pwedeng magumpisa?"-Sam.

"Eh Sir, kayo po ang bahala, kung kailangan nyo po ng driver ngayon eh pwede na po ngayon."-Mario. "Ah ganun po ba, sige po kung ok lang po sa inyo."-Sam. Sakto naman ay bumaba na si Devon galing sa kanyang kwarto sa itaas. "Tay!!"-Devon. "Oh iha, tanggap na ako bilang personal driver ni Sir Sam."-Mario. "Naku, Sam nalang po. Feeling ko po masyado akong matanda para maging Sir nyo eh. "Sam. "Oh sige po, magbibihis lang ako sandali tapos ipagddrive ko na po kayo."-Mario. "Sige po tay, magayos na kayo."-Devon. "Anak ikaw muna bahala dyan at aakyat lang ako sandali. Tignan mo kung gusto ni Sam ng makakain."-Mario.

 Umakyat ang ama nito upang magayos at naiwan ang dalawa sa ibaba pero parang tila pawang ayaw magkibuan ng dalawa. Sa tuwing makikita ni Devon na nakatingin sa kanya si Sam ay iniirapan lang ito ng dalaga. "Galit ka ba sa akin?"-Sam. "Ako?Bakit naman ako magagalit sayo?"-Devon. "Eh kasi naman kanina mo pa ako iniirapan."-Sam. "Weh ano naman ngayon?"-Devon. "Alam mo sayang maganda ka sana eh kaso sobrang sungit mo."-Sam. "Una sa lahat matagal ko ng alam na maganda ako, pangalawa hindi ako masungit."-Devon. "Hindi ka din naman mayabang ano?"-Sam. "Hindi nagsasabi lang ako ng totoo."-Devon. "Naisipan mo na bang magsuot pangbabae?"-Sam. "Hindi pa bakit?At never kong inisip yon."-Devon. "Tibo ka ba?"-Sam.

 "Bakla ka ba?Excuse me noh!Nakasuot panlalaki man ako pero babaeng babae ang puso ko. Utang ng loob ha sa ganda kong ito mapagkakamalan mo akong tibo."-Devon. "Ako bakla?Eh kung hinahalikan kaya kita ng malaman mo kung bakla ako."-Sam. "Sige subukan mo ng ipatikim ko sayo ang natutunan ko sa boksing sa kanto."-Devon.

Makalipas ang dalawang pung minuto ay bumaba na din ama nito. At sakto naman na narinig nya ang awayan ng dalawa. "Devon May, nangaaway ka nanaman ba?Bakit ba ang hilig mong makipagaway sa lalaki?"-Mario. "Tay, yan ang tanungin ninyo bakit sya ngaaway ng babae."-Devon. "Hay naku bata ka, sinabi ko naman sayo maghanap ka na ng nobyo at ng may iba ka namang pagkaabalahan.Sabi ko naman sayo gusto kong magkaapo."-Mario.

Natawa lang naman si Sam sa sinabi ng Ama ni Devon. At bumulong ito sa kayang sarili. "Mukha kasing tibo kaya walang magkagusto, sayang maganda pa naman. tsktsk!"-Sam. "Ah, excuse me!May binubulong ka ba?"-Devon. "Alam mo sayang ka eh, kung nagdamit pambabae ka lang niligawan na sana kita."-Sam. "Hoy! Kahit naman manligaw ka eh ngayon palang binabasted na kita."-Devon. "Hmm!! Tignan lang natin kung hindi mo kainin ang mga salita mo pagdating ng araw."-Sam.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

This story has already been completed, but I will upload the remaining chapters later on. My eyes are hurting from uploading so much. And also I will be uploading all of my stories and I have quite a bit so please do watch out for it. :)

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon