Chapter10

2.8K 48 0
                                    

CHAPTER 10

Ilang linggo ang nakalipas at sinabi na din ni Devon sa kanyang ama ang tungkol sa kanila ni Sam na sobrang ikinatuwa naman ng kanyang ama. Malaki ang tiwala ng ama ni Devon kay Sam kaya naman naging panatag ang loob nito sa binata. Samantala si Sam naman ay bukang bibig ang pangalan ni Devon sa kanyang mga magulang pero sa tuwing matatanung sya tungkol sa estado ng pag-aaral ng dalaga ay palaging hindi sumagasot ang binata. HIndi nagtagal at inanyayahan na din ng mga magulang ni Sam si Devon para sa kanila maghapunan.

"Luvs, bukas na nga pala yung dinner sa bahay namin ha!"-Sam. "Ah yun oo."-Devon. "Kung ano man ang mga itatanong sayo ng parents ko wag ka sanang mabibigla ha, daig pa kasi nung mga yun ang nagiinterrogate eh. At tsaka may susuotin ka na ba bukas?"-Sam. "Ah madami naman akong damit dyan, bahala na kung ano makuha ko sa aprador ko."-Devon. "Hindi, halika pumunta tayo ng mall, ibibili kita ng damit ngayon din."-Sam. "Hindi na!"-Devon. "Luvs, naman pumayag kana I won't take no for an answer."-Sam. "Sige na nga!"-Devon. Pumunta ang dalawa sa mall at ibinili ni Sam si Devon ng itim na dress na kahit simple ang itsura pero napaka eleganteng tignan naman.

Samantala naiwan naman si Mario sa kotse para hintayin ang dalawa.At sa pagiisa nya ay tila napapaisip sya, masaya man ang anak na si Devon pero hindi pa din maiaalis sa kanyang isipan ang magisip para dito.Sumagi din sa isipan nyang baka hindi magustuhan ng magulang ni Sam ang anak na si Devon.Sa lalimng kanyang pagiisip ay bigla naman nag ring ang kanyang telepono. "Ready na po kami, tapos na po kami dito sa mall."-Sam. "Ah so sige po Sir, papunta na po ako sa harap ng mall para sunduin kayo."-Mario.

Magmula ng maging sila Devon at Sam, ayaw man papatawag na Sir ni Sam ay sige pa rin sa pagpilit itong si Mario. Para sa kanya amo pa din nito si Sam.Pagkauwi ng mag-ama nung gabing iyon hindi naman nakaligtas sa pangaral si Devon. "Devon anak, alam ko masaya ka ngayon pero sana wag mo masyadong lulubuslubusin. Wag mong iikot ang buong mundo mo sa iisang tao. Dahil para pag may dumating man na hindi mo inaasahan, hindi ka mahihirapan sa kung ano man ang kaharapin mo."-Mario. "Ano po ibig nyong sabihin tay?"-Devon.

"Ganito yon anak, may mga magulang na sadyang galante at napakabait pero pagdating sa buhay pagibig ng kanilang anak eh hindi nila maiwasang makialam. Payo ko lang sayo, maging matatag ka sa lahat ng bagay."-Mario. "Tay naman! Nagaaudition ba kayo sa MMK?Drama nyo masyado eh."-pagbibiro nito sa ama. Natulog ang dalaga na may ngiti sa labi samantala ang ama naman nya ay tila todo pagaalala pa din.

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon