Chapter 9

3K 46 1
                                    

CHAPTER 9

Parang tila kuryente ang dumaloy sa mga katawan nilang dalawa at bigla namang lumakad paatras ang dalaga. "I'm so sorry! I was just trying to give you hug!Hindi ko sinasadya!"-Sam. "Ah, ummm..sii...sige ok lang uwi ka na!"-Devon. Pagkaalis ni Sam ay pumasok na din si Devon sa loob ng bahay nila upang maghanda na sa pagtulog. Sa kanyang paghiga parang tila balisa ang dalaga. Hindi nya alam kung bakit hindi maalis alis sa kanyang isipan ang mga nangyari nung araw na yon lalo na ang ngyari kanina bago umalis si Sam.

 Hawak hawak ang kanyang mga labi habang nagiisp ng malalim."Hay Sam! Ikaw ang kauna unahang lalaki ang nakahalik sa akin."saad nito sa kanyang isipan. Katulad ni Devon maging si Sam din ay hindi makatulog. Parang tila mukha ng dalaga ang bumabalot sa kanyang diwa. "Masarap din naman pala syang ka kwentuhan. Masarap kasama, hindi boring, para ka din nagadventure."-pagiisip ng binata.

Hindi naglaon ay napadalas na din ang paglabas labas ng dalawa.At minsan na din nagtapat ng kanyang pag-ibig si Sam pero parang tila hindi naniwala ang dalaga sa kanya kaya naman sa mismong ama na ni Devon ito nagtanong kung ano ba ang dapat nyang gawin para maniwala ang dalaga sa kanya. "Sir, kung mahal nyo nga po ang anak ko isa lang po ang hihilingin ko sa inyo. Na sana po ay hinding hindi nyo sya sasaktan."-Mario.

"Pangako ko po yan sa inyo!"-Sam. "Eh kung ganun po Sir, eh isang bagay lang po ang magpapa OO kay Devon. Hindi man po halata sa kanya pero hilig po kasi nya ang mga bulaklak. Lalung lalo na po ang tulips.Yun po ang favorite nya. Kinabukasan pagkagising ni Devon ay may pilit kumakatok sa kanilang pintuan. "Sandali lang sabi eh, ano ba?"-Devon. At laking gulat nya na may nagdeliver ng dose dose nang tulips sa kanilang bahay. "Teka, boss, kanino po galing itong mga ito?Hindi po ba sinabi kung sino sya?"-Devon. At umiling lang ang nagdeliver at umalis na din.Akmang isasara na sana nya ang pintuan ng may biglang pumigil dito.

"Anak ng!"-Devon. Pagbukas ulit nya ng pintuan ay may isang lalaking nakatayo sa harap ng pintuan at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang tulips na kanyang dala. Hindi naman agad kumibo ang dalaga dahil sa hugis ng katawa ng lalaking nasa harapan nya ay kilala na nya ito. "Sam!Galing ba lahat sa iyo ito?"-Devon. "Why you didn't like it?"-Sam. "Hindi sa ganun, actually favorite flowers ko ito eh."-Devon. Pumasok sa loob ang binata sa loob at ibinaba ang dala nyang bulaklak at tsaka nito kinuha ang kamay ng dalaga. "Devon, seryoso ako sa sinabi ko sayo nuon. I'd do anything paniwalaan mo lang ako na mahal kita."-Sam. "Eh hindi mo naman kailangan gawin ito eh, naniniwala naman ako sayo. "Devon.

 "Eh kung naniniwala ka bakit mo ako tinawanan tapos hindi ka man lang nagsalita nun."-Sam. "Kailangan ko pa bang sabihin sayo?Kung hindi kita gusto sana nuon palang pinagtabuyan na kita."-Devon. "Wait?Did I hear that right?So that means?"-Sam. "Yes!! Oo!"-Devon. Sa sobrang tuwa ay biglang napasigaw si Sam na bigla namang sinita ng dalaga dahil natutulog pa ang kanyang ama. Sobrang dami na agad ng pinaplano ng binata. Gusto agad nyang makilala si Devon ng kanyang mga magulang na agad namang pagtanggi ng dalaga. "Masyado pang maaga para dyan. Next time nalang."-Devon. "Sorry excited lang ako basta pag ready ka na just let me know para ipapakilala na kita sa kanila."-Sam.

Langit at LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon